BLOOD 28: THE INVITATION

4.3K 143 1
                                    

SCARLETTE RIOHEART

"Clerianne, mauna na 'ko. May kukuhanin pa kasi ako sa locker ko." sabi ko sa malakas na boses upang marinig niya ako dahil nasa loob siya ng banyo.

"Sige!" sagot niya mula sa loob ng banyo.

Isinuot ko na doll shoes ko na beige colored na tinernuhan ng beige kong shirt na may zipper sa likod.

Pagkabukas ko ng pinto ay may nahulog na isang itim na envelope. Mukhang nakaipit 'to sa pinto kanina, ang tanong ay kung sino ang nag-iwan nito dito. Ilang segundo ko muna tinitigan ang envelope bago napag-desisyonan na pulutin 'to sa sahig. Gusto kong isipin na para kay Clerianne 'to kaso may nakalagay na
To: Scarlette Rioheart Froias sa harapan ng envelope.

Dahan-dahan ko 'tong binuksan at kinuha ang card na nasa loob. Para saan naman kaya 'to? Binasa ko ang nakasulat sa card para masagot ang tanong sa isipan ko.

"I am inviting you to come---" hindi ko natapos ang pagbabasa sa letter dahil bigla akong nakaramdam ako ng kakaiba mula sa ibaba, sa kinatatayuan ko.

Napatingin ako sa sahig at nagulat ako ng may nakita akong portal sa mismong kinatatayuan ko at napasigaw nalang ako ng mahulog ako sa butas na dadalhin ako kung saan.

Wala akong makita sa loob at napapapikit ako sa lakas ng impact ng hangin sa akin pababa.

xxx

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga at agad na naupo sa kama. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at ang nakita ko ay hindi pamilyar na kwarto. Nasaan ako?

Nalipat ang tingin ko sa pinto ng marinig ko ang pagbukas nito at pumasok ang isang babae. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at base sa kaniyang kasuotan ay katulong siya rito. Mukhang may kinalaman ang invitation na natanggap ko kanina sa nangyayari ngayon.

"Gising ka na po pala, Señorita Scarlette." sabi sa akin ng babae.

"Sino ka?" tanong ko at tumayo mula sa kama.

"Sirouna." sagot niya.

"Sirouna, bakit ako nandito? Sino ang 'yong amo?" tanong ko.

"Hindi ko po maaaring sagutin 'yan, Señorita. Sumunod ka nalang po sa akin." sagot niya.

Gusto ko siyang saktan pero hindi ko magawa dahil mukha namang mabait siya at wala naman siyang ginagawang masama sa akin. Napabuntong hininga ako.

"Fine." sagot ko.

"P-payn? Wikang ingles ba 'yon?" tanong niya na ikinanuot ng noo ko. What the hell?

"Oo, hindi ka ba nakakaintindi no'n?" tanong ko.

"Opo, pasensya na. Hindi po kasi ako nakapag-aral dahil sa kahirapan." sagot niya at napayuko.

"Ganoon ba? Sige, susunod ako sayo." sabi ko.

Hindi na siya sumagot at naglakad na palabas ng kwarto kaya sumunod ako. Pagkalabas sa kwarto ay hindi ko maiwasang mamangha sa kalakihan ng pasilyo at sa mga naglalakihang pinto. May mga nakahilerang armor ng mga kawal sa gilid.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba dahil baka mamaya ay gumalaw ang mga ito. Nakahinga ako ng maluwag ng lumiko kami at walang armor ng mga kawal ang naka-display imbes ay mga malalaking litrato na nakalagay sa picture frame ang nakita ko.

Pinagmamasdan ko ang mga litrato na nadadaanan namin at puro mga hindi pamilyar na mukha ang aking mga nakikita. Pero hindi ko maiwasang humanga sa kagandahang taglay nila.

Awakening Her BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon