Nerdy #10: Concern? Like? Weird...

145 23 0
                                    

“Good Morning!!!” napatakip ako ng tainga sa sobrang lakas ng boses ni Prince. “Prince, lower down your voice” sabi ko at sumubo ng sausage and bacon.

“Ewan ko sayo ate Natalie. Tignan mo oh, takaw mo. Kaya ang taba taba mo eh” agad ko naman syang binato ng kutsara pero di sya natamaan.

“Food is layp” sabi ko habang ngumunguya ng pancake.

“Ikaw na ata makakaubos ng pagkain” aniya. “Alam mo? Ang dami mong daldal noh? Dun ka na nga!” pagtataboy ko dito.

Male-late na nga ako eh.! 9:00 am ang pasok namin diba? 8:45 am na! Shocks, I only have 15 minutes to prepare! Tapos examination pa namin ngayon! What a lucky day!

“Prince!!!” sigaw ko mula sa labas kwarto nya. “Oh?” tanong nito. “Wala kang balak pumasok?” taas kilay na tanong ko. “Meron, 10:00 pa pasok ko” tinanguan ko na lamang sya.

Damn, I’m late! Baka hindi ako makapag-test nito!

3rd Person’s Point of View:

“Okay class, you can start answering now” ani ng professor nila Natalie. Hindi pa rin nakakaratunf si Natalie kaya late na nga talaga sya. Terror pa man ang  professor nila sa first period.

“No” ani ni Karl at tumayo. “Ano iyon Karl? Why aren’t you answering your paper? Unless, you’re going to argue with me again?” Patanong na sabi ng prof nila.

“All of you. You’re not going to answer that paper. Unless, Natalie is here” ani ni Karl. Sinunod naman nila ang sinabi ni Karl.

“Wait! Why are you following him? I’m the teacher here! Answer now!” umalingawngaw sa paligid ang sigaw ng guro.

Akmang ngumisi naman si Karl.

“Don’t follow him. I’m the Dean’s son” pagmamayabang nito.

Natalie Yanasie’s Point of View:

Agad akong tumakbo ng mabilis papuntang room namin. Wala akong pake kung masubsob pa ako! Late na late na talaga ako!

9:13 na! Terror pa naman si sir Dutdot!

Nasa harap na ako ng room. Hindi na ako nagulat ng makitang tahimik silang lahat. Ang pinagtataka ko lang is, kung bakit di pa sila nagsisimulang magsagot at tila badtrip na badtrip si sir Dutdot.

“Sir, sorry I’m late. Hindi na po mauulit” nakayukong sabi ko.

Akala ko papagalitan ako ni sir, pero hindi.

“Its okay. Bawal na malate next time, you can now go to your seat” ani ni sir Dutdot.

Dali dali akong pumunta sa upuan ko. “Start answering now” ani ng nakatayong si Karl saka umupo.

“Why are you late?” tanong nito. “Nalate ako ng gising” bulong ko habang nakatingin sa test paper na sinasagutan ko.

“That’s not an excuse” sabi nito. “Gabi na ako nakauwi kagabi noh! Tapos nagreview pa ako!” mahinang sigaw ko dito. Masyado ata akong defensive? Hehe.

“Okay, if you say so” anoya at nagkibit balikat.

“Teka lang, bat mo naman tinanong? Concern ka ba?” di ko napigilang di itanong eh. “Of course not! I-I’m just curious” aniya.

“Psst, ang ingay nyo” sabi ni Kenneth na nasa harap lang namin. “Sorry” I mouthed.

“Bala ka nga dyan” sabi ko. Napaisip naman ako, kinuha ko yung cutter na nasa sahig at nagkunwaring natusok ako.

“What the fvck! What happened? You’re so stupid! May I see?” aniya at kinuha ang kamay ko. Napatawa naman ako.

“I’m just kiddin’.” natatawa pa ring sabi ko. “The fvck? You scared the hell out of me!” inis ja sabi nito.

“Just admit it, you’re concern” sabi ko habang tumatawa. Bigla nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko kaya napatigil ako sa pagtawa.... Gayon din ang pagtaas ng sulok ng labi nya.

“What if I say yes? What will you do? Ane yes, I’m concern” aniya. Natahimik naman ako at tinikom lang ang bibig ko.

Kanina gustong gusto kong marinig sa kanya na concern nga sya sa akin, ewan ko kung bakit..... tapos ngayong narinig ko na, parang nahihiya ako na kinikilig. Nababaliw na naman yata ako.

Napaiwas ako ng tingin ng itinapat nya ang mukha nya sa tainga ko at bumulong.

“I don’t want you to get hurt because, I like you. I like you, that’s why I don’t want you to get hurt”

...

Operation: Taming the BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon