Nerdy #12: Back out

176 19 5
                                    

“Natalie?”

“Talia?”

“Talia!!!”

“Yanasie!” agad naman ako napalingon kay Janna. “What?” tanong ko, “Talia, I’m calling your name for many times! You are not answering, is there anything bothering you? sabi nito.

*Yes, something is bothering me* Who’s that Shayna girl?

“Wala naman.” sabi ko at tumungo sa mesa. “Talia?”

“Ano ba? Stop calling me Talia. Natalie ang name ko, pwede pa kung Talie, hindi naman Natalia ang pangalan ko.” sabi ko.

“Ang sungit ah? Atsaka ang cute kaya ng Talia. Hihi” napairap na lang ako sa mga sinasabi nya.

“Janna, ayoko na.” sabi ko. “Huh? Anong ayaw? Yang pizza? Sige, akin na lang” aniya at kinuha ang  pizza ko.

“Hindi kase yan” sabi ko pero hinayaan ko na syang kainin yung pizza, wala na din akong ganang kumain.

“Eh ano?” tanong nito habang ngumunguya. “Back out na ako. Dun sa operation operation achuchu na yan.” sabi ko pa.

“Ano? Di ka pa nga nagsisimula eh!” sabi nito. “Kahit na, basta back out na ako jan.” sabi ko at tumayo.

“San ka pupunta oy?” tanong nito. “Babalik na ako sa room.” sabi ko at dere-deretsong naglakad.

Nakarating naman agad ako sa room, agad kong binagsak ang sarili ko sa upuan. Hays, nabadtrip talaga ako, ano bang meron sa akin?

Pake ko ba kila Karl at Shayna? Kahit magkaaminan pa sila, wala akong pake.

“Oh, Natalie, ano ginagawa mo dito?” bungad ni Kenneth. “Nagpapahinga lang” sabi ko at tumungo sa desk ko.

“Okay ka lang?” tanong ni Jacob. Napatingala naman ako, anim lang sila,

*Where’s Karl?*

“Oo naman.” sabi ko at pilit na ngumiti, damn, what’s happening to you Natalie?!

“Ahh sige sige” aniya. Ngumiti naman ako sa kanya. Yan, tama yan, forget about what you saw awhile ago. Forget about him, about Shayna.

But there is only one thing bothering me, what’s their relationship? Related ba sila sa isa’t-isa? Pinsan? Kapatid? Pero hindi eh, magbf at gf ba sila? They even kissed.

“Jacob, kilala mo ba si Shayna?” tanong ko. Nawala naman ang ngiti nito. “Shayna?” patanong na sabi nito. Tumango naman ako.

“Why?” tanong nito. “Nakita ko kasi si Karl kanina, may kausap na babae at Shayna ang tawag niya dito.” sabi ko habang nakakunot ang noo.

“Shayna is his ex. Ex girlfriend” aniya. Napatingin naman ako ng seryoso sa kanya, pero eto lang, ang gwapo nya. Hihi.

MARUPOK NA NERD SPOTTED!!

“Then?” tanong ko. “Karl really loves her so much. But she cheated on him” cheated? Anong klaseng gf yan?

“Shayna and Karl were childhood friends. Bata pa lang sila magkakilala na sila, parang kami, at nung tumuntong sila in highschool, nagkaaminan sila. Niligawan ni Karl si Shayna for almost 1 year. Nung nag grade 10, naging sila. So grade 9 nya niligawan si Shayna. Pero hindi nagtagal nagbreak sila. Hindi nga sila tumagal ng tatlong taon eh. Nagbreak sila last sem. Nung grade 11, after nun biglang nawala si Shayna. At ngayon tama nga ang naririnig namin na bumalik na sya, at totoo nga iyon. I don’t think if mahal nya pa rin sya hanggang ngayon, kakabreak lang nila last sem so it means posible na hanggang ngayon ay mahal nya pa rin ito. He really loves her that muc--”

“Okay na. Tinatanong ko lang kung sino sya hindi kung ano sila.” sabi ko. Bakit mas nabadtrip ako? Pake ko ba kung sila o hindi? Tss.

“Hmm, okay” aniya at ginulo ang buhok ko. “Ang ayos ayos ng buhok ko kanina eh!” maktol ko at inayos ang buhok ko.

Naaalala ko pa rin yung tungkol sa past nila Karl at Shayna.

Bakit ganito yung apekto nun sa akin? Ano bang meron sa akin? Naguguluhan ako!

Feeling ko tinutusok yung puso ko ng krayom, first time ko lang maramdaman ito. Ano bang meron? May sakit ba ako sa puso? Wag naman sana.

“Di ka ba nagugutom? Nakita ko kasi kanina na binigay mo kay Janna yung pagkain mo.” napangiti naman ako sa sinabi ni Jacob. Ang bait nya talaga.

“Oo naman.” sabi ko at ngumiti sa kanya. Wala talaga akong ganang kumain eh.

Bigla namang may pumasok na mukhang hindi maganda ang awra, lagi naman. Syempre si Karl.

“O, Karl di maipinta mukha mo ah HAHAHAHA.” asar pa ng mga kaibigan nya. Umiwas naman ako ng tingin, may iba kasi sa mga titig nya.

Pabalabag syang umupo sa upuan nya. Humarap nalang ako sa kabila kung saan nakaupo si Jacob.

Naaalala ko kasi yung nakita ko kanina. Tama lang siguro na nagback out ako sa plano ni Janna.

“Jacob, may libro ka ng ‘My husband is a mafia boss’ diba?” tanong ko. Tumango naman ito. “Dala mo ba? Pwede mahiram?” tanong ko.

“Sure” aniya at nilabas ito. Napangiti naman ako, “Thank you!” sabi ko at nakipag-apir sa kanya.

Nakarinig naman ako ng kalabog. Napatingin ako kay Karl, o.......kay?

“O-okay ka lang?” nauutal na tanong ko, ang awkward shet.

>-<

Tinignan naman ako nito sa mata. Para bang may sinasabi sya pero di ko alam kung ano, alam nyo yun? May gusto syang iparating.

Umiwas na lang ako ng tingin at binasa ang libro pero may humablot dito, si Karl.

“Huy! Nagbabasa pa ako!” sabi ko at inayos ang salamin ko. Inilagay nya ito sa bag nya kaya napasimangot ako. “Jacob, kinuha nya!” maktol ko. Nagkibit balikat lang ito sa akin at kinurot ang pisngi ko.

“Damn” inis na sabi ko. “Who taught you that?” kunot noong tanong ni Karl. “Ikaw!” sabi ko na mas ikinakunot ng noo nya. “Whut? Why me?” English ng English jusko!

“You’re always sayin’ that! So you’re the one who taught me that.” sabi ko pa. “You shouldn’t saying that word. You’re a girl” aniya.

“Pake mo ba?” inis na sabi ko. “Tss. Just don’t say that again. ” aniya.

“I hate you” inis na sabi ko, naba-badtrip talaga ako sa kanya! “What did you say?” tanong niya. “I hate you! Give me back the book!”

WOW! ENGLISH SPOKENING IS REAL~!!! HAHAHA.

“You hate me? For what?” tanong nito. “Kasi, kasi ano, kasi ayaw mo ibalik yung libro! Naiinis ako sayo!” sabi ko at nag-cross arms.

“Tss, that’s not a reason” aniya. “Kahit na! I hate you pa rin.” aniya at inilapit ang mukha nya sa mukha ko. Nanlaki naman ang mata ko at inayos ang salamin ko.

“Dun ka nga!” sabi ko at itinulak sya. “I love you too.” he said and winked at me. Naramdaman ko naman ang paginit ng pisngi ko. Damn him!

*Wag kang maniniwala sa mga sinasabi n’ya Natalie, nerd ka okay? Nerd ka, hindi ka maganda, you’re just a nobody*

...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Operation: Taming the BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon