Don't Let Go (One Shot)

151 10 6
                                    

Matagal na panahon na rin ang naka lipas..

Isang taon na rin..

Isang taon na puno ng pag hihinagpis..

Isang taon na puno ng kalungkutan..

Isang taon na puno ng pighati..

Isang taon ..

..

Isang taon na wala ka sa tabi ko..

Pero ba’t ganun? Bakit ikaw parin?

Bakit sa tuwing maaalala ko..

ang mga panahong magkasama tayo ..

..

nasasaktan ako…

Mga pagkakataon na masaya tayong mag kasama..

Mga pagkakataon na tila may sarili tayong mundo..

Namimiss ko na rin yung init ng mga kamay mo..

Mga kamay na nakahawak sa kamay ko..

Mga kamay na mag kasama kahit saan..

Mga kamay na saksi sa pagmamahalan nating dalawa..

Gusto kong madamang muli ang init na iyon..

Gusto kong mahalin ka muli..

Mahalin ka ng paulit ulit..

Ngunit maari pa ba? Maari pa bang humingi ng isa pang pagkakataon?

Pangako di nako aalis.. di nako mag kukulang.. di nako hihingi ng kung anu ano..

Pangako, mapupunta na sayo lahat ng attention ko..

Isang pagkakataon na mahawakan ka muli.. matitigan ang iyong mga mata.. mahalikan ka ng puno ng pag mamahal..

 =====

Author's Note: This is my first ever story here in wattpad, please bear with me. XD

=====

- October 3, 2010 -

 * 4:30pm *

Nasa park ako ngayon kasama ang aking pinaka-mamahal. Naka-upo ako sa damuhan at nakasandal sa isang malaking puno habang sya naman'y nakahiga gamit ng aking mga binti na ginawa niyang unan.

"Happy 1st Anniversary, Kate. I love you. " sabi niya habang nakangiti.

hinaplos ko ang kanyang mukha..

ang mukha ng lalakeng gusto kong makasama habang buhay..

"Happy 1st Anniversary din, Alex. Mahal na mahaaaaal na mahal din kita." sagot ko sabay halik sa kanyang mga labi.

"Isang taon mula ngayon, babalik ulit tayo dito ha? Dapat isang taon mula ngayon, ako parin yung mahal mo." sinabi nya sabay ngiti na mapangloko.

si Alex talaga..

bumangon sya sa pag kaka-higa niya at umupo sa tabi ko habang hawak hawak yung kamay ko.

inangat niya ito at dinampi ang mga labi niya..

"Kahit anong mangyari Kate, wag na wag kang bibitaw sakin ha? Tandaan mo na kahit wala ako sa tabi mo, lagi akong nasa puso mo. Gusto ko lang malaman mo na babantayan kita kahit anong mangyari. Mananatili ka sa puso ko, kahit na hindi tayo araw araw na magkasama, pakatandaan mo na ikaw lang ang mamahalin at iibigin ko. Mamahalin kita hanggang dulo. Mamahalin kita habang may bukas na darating. Wag kang mag alala ikaw lang ang mahal ko. Just don't let go of us. "

 * 6:45pm *

Ang saya ko kase umabot na kame ng one year. Kahit nagkaroon ng ups and downs yung relationship namin eh kahit papaano ay nalampasan namin ni Alex yun.

Nag lalakad na kame pa-uwi ni Alex. Hanggang ngayon, hawak hawak nya parin yung mga kamay ko..

"Alex tignan mo oh, may ice cream parlor. Tara, kain tayo."

"Kate, we have to go home now. Gabi na, baka mapa-galitan tayo ni Tita."

"But I want ice creams."

hinila ko yung kamay ko..

ngunit lalo niyang hinigpitan yung pag kapit..

lumingon ako sa kanya, "puhleaaaase Alex" sabay pout.

"well.. okay.. "

binitiwan ko ang mga kamay niya at dali dali akong tumawid..

" KAAAAAAAAAAAATE!"

lumingon ako at nagulat sa rumaragasang truck na panpunta sa direksyon ko..

biglang nanigas ang buong katawan ko at hindi ako makagalaw..

*SCHEEEEEEEEEEEEEEECH!*

*SCHEEEEEEEEEEEEEEECH!*

*SCHEEEEEEEEEEEEEEECH!*

*BOOOOOGSH!*

Alex...

- October 3, 2011 -

 * park *

 Isang taon na simula ng nangyari ang trahedya na iyon.

At andito nanaman ako..

humihingi ng isang bagay na alam kong impossible na..

sana hindi ko na lang ginawa yun..

sana hindi na lang ako humiling ..

sana hindi na lang ako nag pumilit ..

edi sana.. nasa tabi pa kita ngayon..

sana kumapit ako ng mahigpit..

..

sana hindi ako bumitaw ..

 EL FIN

 =============================

P.S. Again, first time ko pong mag sulat ng story. Like WOAH. Nahirapan Talaga ako dito. Sa mga nakapagtiis na basahin to, please do comment po. I need you're comments to help me improve. HAHA. XD Kahit di na kayo mag fan or what, okay lang. Basta mag comment kayo ha? Salamaaaaat.

Love Lots,

ForlornBloomer ♥

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Don't Let Go (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon