Nang tuluyan ng makalabas si Dennis at ang babaeng yun na kamukhang kamukha ni Sabrina ay saka palang ako napatayo. I was planning to follow them. Pero pinigilan ako Iñigo.
"Don't follow them. Hindi siya si Sabrina, mag-kamukha lang sila."
Napailing-iling ako. "She is Sabrina, dude. I know every part of her. The way she look. I am sure hundred one percent that she is her."
"Even if its her, you have no right to ruin her moment with her husband. Yes, she came back but not for you. Bumalik siya dahil kay Dennis. Because of her husband." Said by the man sitting beside Iñigo.
It was Lance. Ang madalang mag-salita sa barkada. Natigilan ako. Tama siya. Umayos ako ng upo. Sunod sunod ang pag-inom ko ng alak. Iniisip ko kung sino ba talaga yung asawa ng kaibigan ko. Tinawag niyang Janine ang asawa niya, pero sigurado ako na siya si Sabrina. The strange part is that girl can pulled a trigger but my sweet Sabrina don't. She can't even hurt a fly. Takot nga sa ipis yun e.
I smiled at that thought.
__
" Tell me, do I need to listen to you?"
He asked me while intently looking at me. I don't know why, but I have this strange feeling na we're not intimately connected. Siguro epekto ito ng ilang memories na hindi ko maalala. I sigh.
" The last time we talk is you walking away from me after you said what you feel." Simula ko." Hinayaan kitang umalis noon kase iniisip ko na bigyan ka at ako ng space para makapag-isip. Mahal kita, mahal ko kayo ng anak natin pero hindi ko kayang ibigay ng buo ang pagmamahal ko kase hindi naman ako buo. Gusto kong maalala lahat ng nakalimutan ko kahit yung masasakit. Dahil feeling ko kasalanan ko kung bakit namatay si Sabrina e. " Bumuntong hininga ako."Siguro kapag nabuo ko na ang sarili ko. Hindi na ako matatakot na ibigay ng buo sa inyo ng anak natin ang pagmamahal ko. Pero sa ngayon kailangan muna kita sa tabi ko para mabuo ko yung ako na nasira dahil sa pagkamatay ng kakambal ko. "
Nakatitig lang siya sa akin noong una. Hanggang sa nag-salita siya.
" Tell me your point."
"I want you to stay with me, hanggang maalala ko na lahat at mahuli ko na ang mga hayop na pumatay sa kapatid ko." Huminga ako ng malalim. "What I'm saying is, tulungan mo akong buohin ang sarili ko. Dahil ayokong pumili between you and my mission. Dahil hindi ko kaya."
After that I feel like I'm about to cry.
"Pagiisipan ko."
Sabi niya at tinalikuran ako. Pinigilan ko siya sa braso.
"Pwede bang dito ako mag-stay sa bahay mo? Gusto ko kase kayong makasama ng anak natin."
Hindi siya sumasagot.
"Daddy!"
Sigaw ng isang tinig. Sabay kaming napalingon sa staircase. At doon nakita ko ang anak namin. Oh god I miss her.
"Beanca, anak!"
Tawag ko dito. Tumingin naman ito sa kanya. Lumawak ang pagkakangiti nito.
"Mommy!" Sigaw ng bata. Agad na tumakbo ito palapit sa akin.
Niyakap ako ng mahigpit ng anak namin.
"You're here now, Mommy. Siguro hindi ka na busy kaya nandito kana. I really miss you a lot Mommy. Sana hindi ka na maging busy palagi."
Tumingin muna ako kay Dennis bago sumagot sa anak ko. "Yes baby. Hindi na magiging busy si Mommy, lagi na akong magkakaroon ng time sayo."
Bumitaw sa yakap ko si Beanca. Tumingin siya sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
She's GONE?
General FictionThis story is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are the products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblances to actual places or persons, living or dead is entirely coincidental. All rights r...