Chapter 2: First Day- The Meet (Part 2)

16 0 0
                                    

Natawa ako habang iniisip ko yun kaya hindi ko namalayang nasa classroom na pala ako ni Abbygail. Nakita ko siyang naglilinis ng classroom nila kaya hindi niya ako napansin.

Inisip ko na ipatawag ko nalang si Abby sa kaklase niya para malaman niyang nandito na ako.

"Um. Excuse me". Lumingon yung lalaki.

Pagtingin ko sa kanya, natahimik ako. 

"Siya yung lalaki kanina!" Sabi ko sa sarili ko. Siya yung crush ko. OMG! Kaklase siya ni Abbygail.

"Um... Pwede pakitawag si Abbygail Yap?" Nahihiya kong pakiusap sa kanya.

Tinawag niya na si Abby. Nung nilapitan na ako ni Abby, may sinabi siya sakin.

"Hi Steph--- AHHH!!!" Tili niya dahil hinila ko siya habang nagsasalita siya.

"Bakit mo ba ako hinila?!" Reklamo niya matapos kong pakawalan ang brase niya.

"Anong pangalan nung maitim na lalaki kanina? Yung tumawag sayo." Pag aapura ko sa kanya.

"Ah! Si Kyuhyun Alexander Delos Reyes??" Pagtataka niyang sinabi.

"Ah! Kyuhyun Alexander pala ang pangalan niya." Napangiti nanaman ulit ako.

"Bakit ka interesado dun?" Pagtataka niya.

"Hmm. Wala lang haha" Pagkukunwari ko.

"I smell something fishy" Pagdududa niya na parang may kilig factor sa pagsabi niya nun.

"Haha.. Sige.. Aaminin ko na nga!"

"Ano nga! Bilisan mo na!" Pag- aapura niya namang sabi sakin.

"Crush ko siya!"

"What?!!!!!" Gulat na gulat si Abbygail sa inamin ko sa kanya.

"Bakit naman? Ano bang problema dun?" Pagtataka ko.

"Ang pangit niya naman! Wala siyang laban kay Chiu!"

Natawa ako sa pagkukumpara ni Abbygail sa Kanilang dalawa.

"hahahaha.. Abby, past na si Jake. Siya na ngayon. Siya na ang ultimate crush ko kaya wag mo na silang ikumpara pa." Pakiusap ko sa kanya.

"Ah basta! Stephie Chiu parin ako forever!" 

Natawa nanaman ako... hahaha hindi pa rin talaga siya makamove on kay Jake. Mas nauna pa akong nag move on sa kanya. 

Umalis ulit si Abbygail para ibalik yung walis na hawak- hawak niya. Ako naman, tumitig lang ako kay Xander. By the way, Xander nalang ang itatawag ko sa kanya dahil ang haba ng pangalan nya and gusto ko rin naman ang pangalan na Xander. Nakakatawa siya kasi imbes na maglinis siya, naglalaro pa siya sa walis na hawak niya sa taas ng platform. Narealize ko na may pagka joker din pala itong crush ko. Mukha naman siyang mabait. Sana may pag- asa ako sa kanya hahaha... Ano ba tong mga pumapasok sa isip ko? Para na akong shunga e. 

Hinila na naman ako ni Abbygail papuntang canteen. 

Nagbell na ulit. It only means na tapos na ang recess. 

"Bye Abby. Mauna na ako. Pumasok ka na rin sa classroom mo. Ang layo pa ng lalakbayin ko e" Biro ko sa kanya.

Natawa naman si Abbygail sa sinabi ko kaya nagpaalam na rin siya sakin.

"Chao girl! Ingat sa inyo ni PC mo!" Pang aasar niya nanaman sa akin.

Still Into Him <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon