Chapter 2: First Day- The Meet (Part 3)

4 0 0
                                    

Dumaan ang lunch at hanggang sa uwian, pero nasa isip ko parin yung Xander na yun.

Hindi ko maiwasang isipin siya dahil parang ang daming tanong na nabubuo sa isip ko tungkol sa kanya.

‘Mabait kaya siya? O baka naman masungit siya?  Ano kayang tingin niya sakin? May pag-asa kaya ako sa kanya? Hindi nya kaya ako sasaktan?’

Lahat ng mga tanong na yun ay paulit ulit na tumatakbo sa utak ko. Nasubukan ko na kasi noon masaktan at umiyak e. Dahil sa lalaking akala ko may pag tingin din sa akin pero wala pala. Umasa lang ako sa wala. Napagod na rin kasi ako sa kakahabol sa kanya kaya napagtanto ko na tigilan nalang siya. Kesa naman sa paulit ulit akong masaktan at umiyak sa kanya hindi ba?

Kung tinatanong nyo kung sino yung lalaking yon, pwes sasabihin ko na sa inyo. Siya si Jake Yonghwa Chiu. Ang naging ultimate crush ko for less than 2 years. Since grade 5 crush ko na siya. Siya ata ang first love ko eh. Pero ang manhid niya dahil sa lahat ng effort ko para sa kanya, hindi niya parin ako napansin.  For almost 2 years, siya lang yung lalaking pinangarap ko at inakala kong magmamahal sakin ng totoo.

But I guess, this will be the new chapter of my life. New me, new love, new hope, new friends and everything will be new for me.

And I guess I won’t be hurt by now. Sana kung umasa at magmahal man ako muli, sana worth it na yun taong yun sa love ko. Sana wag niyang sayangin yung pagmamahal at effort ko.

Still Into Him <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon