Hector's POV
"Hector! Gising na!" Sigaw ng nanay ko habang paakyat para puntahan ako sa kwarto ko.
Lunes na naman pasukan ulit, bakit ba ganito pag wala kang ginawa, magrereklamo ka at kapag puro utos at napakadami ng ginagawa mo magrereklamo ka pa din.
"Kapag naabutan pa kita diyan sa loob ng kwarto mo babasain kita ng malaming na tubig." Sigaw ng nanay ko ulit.
"Eto na po! Palabas na!" Sigaw ko habang naglalakad papunta sa pintuan ng kwarto ko. Hay naman, ang pinakagusto ko lang sa tuwing pasukan ay -
"Hector? Gising ka na?" marahang salita ni Helene na siyang kinagulat ko pagbukas ng pinto.
"Hoy! Ano ka ba naman? Alam mong matatakutin ako sa multo eh." marahan na sabi ko.
Siya si Helene ang kaibigan/kapitbahay/schoolmate/princessa ko. Ang haba pa rin ng buhok nya, dapat ipapaputol nya na yun pero pinigilan ko lang. Actually gusto ko ang mga babaeng mahahaba ang buhok, mostly.
"Hector! Nandyan nga pala si Helene, kanina ka pa hinihintay niyan!" Sigaw ng nanay ko.
"Tita naman, hindi naman, kakarating ko lang." katwiran ni Helene. Bakit ka pa umakyat dito? Nakita mopatuloy ako na bagong gising. Di pa ako nakakapagayos.
"Pasensya ka na, hindi pa naman siguro tayo huli sa eskwela?" sabi ko sa kanya, pumunta na ako agad ng banyo at sinara ang pinto. naghubad na ako at nagsimula na magbuhos, tapos nag lagay na ako ng shampoo sa buhok.
"Hector?" sabi ni Helene, habang naririnig ko na papalapit sa pintuan ng banyo.
"Bakit? Pasensya na mabilis nalang ito, sorry talaga." Sabi ko habang binabanlawan ang buhok ko at nagsimula na sabunan ang katawan ko.
"Hindi, wag mo na intindihin yun. Itatanong ko lang sana kung may kasama sa Acquaintance party natin?" tanong ni Helene habang nakatayo sa harap ng pintuan ng banyo at ako naman ay nakapagbanlaw na, nagtapis ng tuwalya, binuksan ko ang pinto at nakita ko syang nakatayo at nakapikit malapit sa pinto.
Ang ganda nya talaga, hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng ganitong kaibigan, ang ibig kong sabihin hindi ko talaga siya maintindihan kung bakit ganito siya kabait sa akin, pag sa school naman di naman siya ganito noon.
Inilapit ko ang muka ko sa mukha nya. nakita ko na dahan-dahan niyang binubuksan ang mga mata nya ngunit bigla niya ulit itong pumikit. Gusto ko siyang halikan kaso ayoko naman isipin nya na mapagsamantala akong tao, baka ayawan nya na ako pagkatapos nun.
Inilayo ko na mukha ko sa kanya. "Helene? Wala pa naman, gusto mo sunduin kita sa inyo?" sabi ko sa kanya at dumiretso na ako sa kwarto ko habang siya at nakatayo pa din doon at sinara ko na yung pinto.
"Hector? Pwede ba? Wala kasi akong kasabay hindi daw ako maihahatid nila daddy kasi late na daw sila makakauwi." Sabi ni Helene.
"Oo naman! Sige susunduin kita sa inyo, kaso dapat agahan mo kasi mainipin sila." Sabi ko habang nagsisintas ng sapatos, nagpabango at lumabas na sa kwarto.
"Pasensya sa paghihintay, tara na." sabi ko habang papunta na ako ng hagdan. "Ay! Nakalimutan ko yung ID ko!" Sigaw ko, sabay hinto at talikod.
"Aw!" Sigaw ko dahil nabunggo ko si Helene, hindi naman kami natumba pero naalalayan ko sya sa likod at nakadikit ang ulo niya sa dib-dib ko.
"Aray." marahang sabi ni Helene habang nakasubsob pa rin ang mukha nya sa dib-dib ko.
"Sorry." sabi ko sa kanya habang hinaplos ko ang buhok nya na hanggang likod.
BINABASA MO ANG
Diversions of Love
RomantikMy name is Hector, ang kuya ng bayan. Kahit saan pumunta, kilala ako, sikat sa mga babae, pero ang trato nilang lahat sa akin... Kuya. Kailan kaya mababago ito? Everything's fine when I entered High school. Nakalimutan ko na lahat ng nangyari sa aki...