Second Year High School: Enduring Love

27 0 0
                                    

Hector's POV

Hindi ko alam kung anong sasabihin sa akin ni Helene, magkasama naman kami lagi pagkatapos ng klase, Kinakabahan ako sa sasabihin dahil bihira lang niya ako tawagin ng ganito. nung umakyat na ako sa basketball court sa 4th floor ng school namin.

Wala pang tao. baka nauna lang ako dito, O baka nasa loob si Helene. Kaya pumasok ako sa loob ng court at nabigla ako nung nakita ko si Adeline na nakatayo, nakasandal sa pader at nakatignin sa malayo.

"Anong ginagawa mo dito? Nasan si Helene? Bakit ka nandito?" Tanong sa akin ni Adeline habang nasa loob kami.

"Nandito ako kasi pinapunta ako ni Helene dito ang sabi niya may sasabihin daw siya sa akin na importante. Ikaw bakit ka nandito" sabi ko. Helene? Anong klaseng trip 'to?

"Pinapunta din ako ni Helene dito, ang sabi niya may naghahanap daw sa akin at hinitay ako dito. So, ikaw pala ang naghihintay sa akin." sagot niya.

"Hindi ikaw ang hinihintay ko, Si Helene. Aalis na ako. hahanapin ko si Helene." sabi ko. Galit pa rin siya, siguro hindi pa kami pwedeng magusap ngayon.

"Iiwanan mo ako dito magisa? " tanong niya.

"Hahanapin ko si Helene at itatanong ko sa kanya bakit niya tayo pinaakyat dito." Sagot ko.

"Kaya nga, Iiwanan mo ako dito magisa?" Tanong niya ulit.

"Oo." Sagot ko.

"Bahala ka, kung hindi ikaw yung naghihintay sa akin. Malamang ibang lalake yun at baka may masamang balak pa yun at hindi ko alam kung ano pang mangyayari sa akin." sabi niya.

"Ano bang gusto mong sabihin? Sinasabi mo bang dumito nalang muna ako at samahan kang maghintay?" Tanong ko.

Hindi siya sumasagot at nakatignin pa rin siya sa malayo. Nainip na ako kaya nagumpisa na ako maglakad papalabas ng court, nang bigla niya akong niyakap sa likod.

"Gusto ko marining mula sa'yo na ayaw mo akong umalis, na gusto mo na samahan kita, pero higit pa doon ang ginawa mo." sabi ko habang siya naman ay kumalas na sa pagkakahawak sa akin pero di niya binitawan ang damit ko.

"Wag mo ko iwan, dito ka lang." sabi niya.

"Pwede namang sabihin yan ng hindi mo ako niyayakap. Mamaya niyan matumba pa tayo parehas, masugatan ka pa. Gustong-gusto mo talagang niyayakap ako, Bakit ba? Dati naman hindi ka ganito sa akin." 

"Kasi noon gusto ko ring yakapin ka..." sabi niya sabay binitawan niya ako tumalikod siya."Kaso hindi ko magawa."

"Bakit dahil ba kay Helene?" tanong ko pero umiling lang siya. "O dahil kay.."

"Wag mo nang banggitin pa ang pangalan niya. tulad mo may mga tao din akong ayaw kong binabalikan galing sa mga nakaraan natin," bigla putol niya sasabihin ko.

Hindi na muna ako nagsalita dahil alam kong ikakagalit niya lang lalo kapag pinagusapan pa namin ang taong yun. Naghanap muna ako ng mauupuan namin, dahil napapansin ko na napapasandal na si Adeline sa tagal naming naghihintay. May nakita akong mahabang bakal na upuan sa labas ng court kaya ipinasok ko yun at naupo kami parehas.

"Maraming salamat, nakita ko rin yan sa labas kaso hindi ko mabuhat papasok at ayoko rin maghintay sa labas. baka kasi may makakita sa aking ibang tao." paliwanag niya habang isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at nagumpisang ikukos ito na parang maamong pusa.

"Bati na ba tayo?" tanong ko habang siya naman ay umayos na ng upo.

"Hindi pa, siguro pag binigyan mo ako ng magandang dahilan." sagot niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diversions of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon