Chapter 6

3.2K 59 0
                                    

I silently sobbing as I hugged my son.


Tila hindi matigil tigil ang pagluha ko ng sabihin ko ang lahat kay Samuelle. I don't know where he is. Bigla nalang niya akong tinalikuran at hindi ko alam kung saan siya nagpunta.


He told me that he loves me until now pero 'nung nalaman niya ang lahat ay bigla nalang nagbago.


I'm hurt! Fucking hurt dahil umasa na naman ako sa kanya. Umasa na naman ako sinabi niya.


Kailan ba matitigil ang pagdurusa kong ito? Kailan ako makakalaya sa sitwasyon na to? Kailan ako magiging masaya? Kailan ako babalik sa dating ako? There's so many what if's in my mind.


"My love, I'm sorry... I'm sorry because I'm crying again. Mommy's hurt baby..."


Ang batang walang kamuwang muwang sa tabi ko ay napaglalabasan ko ng hinanakit. Kahit alam kong hindi pa ito nakakaintindi ay sa kanya ko lang sinasabi ang lahat dahil alam kong pagdating ng panahon siya ang taong hindi ako kayang iwan.


Bigla akong napatayo ng marinig ko ang ugong ng sasakyan. It's already eleven in the evening at ngayon lang siya umuuwi. I admit that I'm worried to him.


Pumunta ako sa sala para salubungin siya pero tila napahinto ako ng makita ko itong akay akay ng dalawang lalaki. He's drunk!


"Jiana, am I right?" Nag-angat tingin ako ng magsalita ang nakaitim na lalaking umaalalay sa kanya.


Nag-aalangan naman akong tumango.


"Nasobrahan sa inom." Sabi pa nito ng mailapag nilang dalawa si Samuelle sa couch. Nagpasalamat nalang ako sa kanilang dalawa pagkatapos ay nagpaalam na.


Hindi ko alam kung lalapitan ko ba ito o hindi. Naiilang ako sa ngayon lalo na't nakainom ito. Pero sa huli ay umupo ako sa tabi nito at tinitigan ang kanyang mukha.


Mas lalo ata itong gumwapo sa ngayon at pakiramdam ko titiklop na naman ang tanga kong puso.


"A-lam mo kamukha mo ang babaeng nang-iwan sa a..akin."


Parang may bumara sa lalamunan ko ng magsalita ito. Akala niya siguro ay ibang tao ako. Hindi niya alam na ako ang babaeng tinutukoy niya.


"Ba-kit ganon? Bakit ganyan ka-yong mga babae ha? Bakit ang hilig hilig niyong sak...tan ang mga l-lalaki? Nag-mahal lang naman kami a..at wala akong g..ginawang mali para iwan niya a-ko." Lasing na lasing na sabi niya.


Bigla namang nanubig ang mata dahil sa sinabi niya.


"Pe-bo alam mo ba? Sa kabila ng g..ginawa niya sa akin ay mahal ko pa rin siya. Ma-hal na mahal. Kahit anong gawin ko, kahit ilang babae ang kasama ko siya pa rin ang isinisigaw n..nito." Napayuko ako ng itinuro nito ang dibdib nito. "Nakakatawa 'no? Ang tanga ko kasi pagdating sa pag ibig."


Ramdam na ramdam ko ang pighati at lungkot habang sinasabi niya iyon.


Napaangat tingin nalang ako ng hawakan niya ng mukha ko at hinuli ang paningin ko.


"Si-nabi niya sa akin lahat lahat at wala akong maramdaman kundi magkahalong galit at awa. G..galit dahil napakaduwag niya. She-was fucking selfish-for damn hiding the truth. Itinago niya ang lahat at nagsinungaling siya sa akin. Alam mo ba 'yun? Kung sinabi niya sana sa akin ay ipaglalaban ko siya sa lahat. I can fight her! Even to death. Handa akong mamatay para sa kanya. Handa kong ibuwis ang buhay ko para sa kanya. I love her s..so much. At ngayon ay naaawa ako sa kanya. She doesn't deserve that. She deserve to be ha..ppy."


MODEL SERIES 2: Jiana Cassandra Avila - RevisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon