Chapter 8

3K 55 1
                                    

Two weeks passed since I left Philippines. I already left my son and until now, I still missing him. Badly. His face, his smiles, his cuteness-lahat. The way he called me 'Mama'. Pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko sa sobrang saya.

Minsan, napapaisip nalang ako kung kumusta na kaya ang baby ko? Inaalagaan ba siya doon? Pinapakain? Namimiss kaya ako ng anak ko? Hinahanap ba niya ako? Oh god, I miss my son.

But reality still reality. I'm doing this for him at kapag makaipon na ko ay uuwi rin naman kaagad ako para kunin ang anak ko.

I signed already a contract valid for 2 years in Abyss Clothing Company. Alam kong mahihirapan ako ngunit heto't nandito naman si Mrs. Ferrer at si Angel Jace para i-guide at tulungan ako. I'm thankful to god for having them.

Ngayon ay aayusan na ako dahil ito ang unang sabak ko sa trabaho. Hindi ko mapigilang hindi kabahan at ma-excite.

"Girl, halika na dito. Ilang oras nalang magsisimula na 'yung shoot mo." Pilit naman akong hinihila ni Angel at pinapaupo sa upuan kaharap ang salamin.

"Ayoko ng makapal, okay. Gusto ko maganda ko." Sabi ko sa kanya dahilan para itirik ang kanyang mata sa akin.

"Well, ano pa bang magagawa ko? Ganda ka?" Tila naiinis na sabi nito.

Baklang 'to, ang sungit sungit porket hiniwalayan ng jowa niya.

"Grabe ka ha, Angel ha. Wag mo namang ibuntong ang galit mo. Porket hiniwalayan ka 'nung Ryler-aray ko." Another batok na naman ang nakuha ko mula sa kanya. "Tumigil ka na, Jiana. Umayos ka na, magsisimula na ko." Sabi pa nito. Nagkibit balikat nalang ako at kinuha ang telepono ko.

Pinanood ko na naman ang mga video ni Alexus. Pati ang mga litrato niyang nakangiti, naghihikab, umiiyak, nakanguso, tumatawa, nagwawala basta marami pa.

Minsan gusto ko ring pagalitan ang sarili ko. Paano ko makakalimutan ang anak ko kung palagi kong tinitingnan ang litrato niya? God!

Simula ng isilang ko ito ay may litrato ito sa akin hanggang sa huling sandali na magkasama kami. At tanging ito lang ang bagay na kailangan ko sa ngayon upang maibsan ang lungkot na nararamdaman ko.

"Okay let's start, Miss Jiana." The photographer suddenly told me.

Tumayo naman ako sa gitna at sinunod ang mga sinabi nito sa akin.

Everyone was looking at me na para bang artista na hindi ko alam. Like, ano bang meron sa akin? Pangit ba ang pose ko? Hindi ba maganda? May dumi ba ako sa katawan o hindi ako bagay dito?

Habang kinukunan ako ng litrato ay kung ano ano ang pumapasok sa utak ko dahil sa mga taong nanonood.

"That's good! Okay next-change clothes." Aniya kaya kaagad akong lumapit kay Angel na hinila naman ako papasok sa dressing room.

"Pangit ba ang ginawa ko kanina?" I look so worried right now. Eh kasi naman baka makaabot ito sa CEO at baka materminate agad ang contract ko.

"What? No, of course not!" Ani Angel na ikinasimangot ko.

"Paano ba naman kasi lahat ng taong nandoon nakatingin sa akin. Akala mo naman kung sino." I even rolled my eyes. Kaya sinaway ako nito.

"Really? My God, Jiana Cassandra. Ano ka ba naman, naiinggit lang 'yon 'no. Tsaka ang ganda ganda kaya ng mga ginawa kong pose. Hala, sige na magbihis na." Itinulak pa ako nito sa loob.

"Huwag mo nga akong binobola, Angel Jace. Yung totoo, ano yung mga sinabi nila." Sabi ko habang nagbibihis.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nito.

MODEL SERIES 2: Jiana Cassandra Avila - RevisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon