Chapter 1

3 0 0
                                    

Sorry not a pro. May you enjoy this part.

——————————————————

UNEXPECTED BET

I don't understand why people are so obsessed with the thing they called "love". Hindi naman nila nakakain yun di ba? O kung nakakain man hindi nakakabusog. Kung pagmamasdan ko ang paligid na meron ako ngayon isa lang ang masasabi ko "nasusuka ako". Halos mga taong naglalalampungan may mga nakakacringe pa sila na tawagan gaya na lang ng "love ko, mahal ko, my baby, my love, mi amore, moo, boo and so on". Nakakaawa naman sila e nagbubuild pa ng relationship wawasakin din naman nila.

I sipped my black coffee while ignoring those bunch of lovesick people and continue listening to music while reading a book. Nakaupo ako sa tagong parte nitong coffee shop pero comfortable naman ako. Habang nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa may napansin akong babae na pumasok and she sat sa katabing table ko lang. I was going to ignore her nung narinig ko na umiiyak sya. I don't interfere into anyones life kaya hindi ako lumapit sa kanya.

I was planning to go back on what I am doing but nawalan na ako ng gana, so nagobserba na lang ako. As I look kay ate girl na umiiyak nakatingin sya dun sa couple na sobrang PDA. I am assuming na si ate girl ay girlfriend ni kuyang PDA? Ayan yung sinasabi ko na magbubuild pa ng relationship wawasakin din naman nila, hindi makuntento sa kung anong meron sila.

Naawa na ako dito kay ate girl, mukhang buntis pa naman sya. Pero woah nagulat na lang ako ng bigla syang tumayo at pumunta dun sa pwesto ng PDA na yun. Nagulat si kuyang PDA.

"Honey, let me explain." i put my right hand sa aking baba, while the other one is busily holding the cup and I watched them expressionless.

"I thought I was enough! I thought that marrying you is the right choice, but I was really wrong!" tuloy tuloy na sabi ni ate girl and mali ako ng hula magasawa na pala sila.

"Sawang sawa na ako Bench. Minahal kita ng buo e, antanga ko lang kasi wala akong tinira sa sarili ko. Alam ko na simula nung sinabi ko sayo na hindi ako magkakaanak, nagiba ka na. Nagbulag bulagan ako para sayo. Kaninang umaga may nalaman ako, excited akong sabihin sayo e. Pero ako pa yata ang nasurprise." ayan mga tao talaga. Ano kayang gagawin nitong si Ate kay Ateng third party.

"Love, hayaan mo na ang babaeng yan. Mas maganda ako sa kanya, mas masarap, hiwalayan mo na" lakas ng tama ng 3rd party na to. Mukha naman syang hipon, make up lang nagpabuhay sa mukha nya e. Don't get me wrong I don't hate make ups okay, it's just hindi lang bagay sa babaeng to na sumisira sa isang pamilya.

"Ano sa tingin mo? Makakatikim kaya ng sampal ang kabit sa legal wife?" Rinig kong sabi ng katabi ko.

"Nope and I bet" sagot ko sa kanya teka wait what? Tumingin ako sa kanya hindi ko sya kilala and to my shocked nakipag bet din sya sa akin.

Damn yourself Reagal!

In Search of the Lost SoulsWhere stories live. Discover now