3:00 PM - Saturday

   Nandito ako ngayon sa bagong bahay na nilipatan namin, Golden Gate Subdivision. Simula nang mag high school ako, nawalan na kami ng permanenteng bahay dahil sa work ni daddy na palipat-lipat dahil siya ay isang dakilang businessman. Habang si mommy naman ay nagt trabaho sa business namin na O'Briel Fashion Atelier bilang isang sikat na fashion designer.

   Pumasok ako sa kwarto ko na itinuro ni mommy sa'kin kanina. Malaki, masyadong malaki. Ako lang naman mag isa dito pero bakit ganto kalaki? "Mom, bakit po ang laki ng kwarto ko?"

"Since late na kaming dalawa umuuwi or minsan ay hindi na kami umuuwi, naisip namin na magpatira ng tatlong estudyate dito. Isang babae at dalawang lalaki, yung boys ay magr room doon sa tapat na pinto ng iyong kwarto, while the other girl will stay here with you," she answered me while smiling.

   Nanlaki ang mga mata ko, "l-lalaki? May makakasama kaming mga lalaki?"

   Mom just smiled at me and pat my head; I just stood there, doing nothing while the maids are putting our things and arrange it to their proper places. After ilang minutes, napagdesisyunan kong pumasok sa room ng boys. Napansin ko naman agad ang dalawang higaan at ang mga gamit panglalaki, color black na medyo gray ang wallpaper dito. Kapag na'ndito sa pwesto ko and facing the room of the boys, nasa right side ang bathroom. And sa left side naman ay yung study table, tv, and yung iba pang mga gamit.

   Kumpleto na lahat ng mga gamit nila, kailan ko kaya sila makikilala? I just shrugged.

   Pumasok na ako sa loob ng kwarto namin at pinagmasdan ito. Halos magkaparehas lang ang mga pwesto ng gamit pero ang sa amin ay puro mga pang babae at ang kulay ng wallpaper ay pink na may halong cream. (A/N: Imagin-in niyo na lang po. Hihi.)

●●●
7:00 PM - Saturday

"Dear, naayos na namin ang mga papeles mo sa bago mong lilipatan na school," mom simply said while eating. I just nodded.

"Mom, ano nga po pa lang name ng school? Malapit lang po ba yon dito? All girls lang po ba? Public or private? Last school ko na po ba to para sa high school? O lilipat ulit tayo?" Pagtatanong ko.

   Medyo nahihirapan rin naman ako sa set up namin kasi tuwing lilipat kami, may mga tao akong naiiwan. Kaya no'ng may naiwan na 'ko once, hindi na ulit ako nakipag kaibigan pa sa iba. Ayaw ko kasi ng nasasaktan.

   Medyo natawa ng mahina sa mommy dahil sa dami ng mga tanong ko, "well, this is permanent na. May malapit kasing branch dito ang business natin kaya dito na kami mags stay. Golden Gate Academy, yan ang name ng school. Yes, malapit lang yon dito. No, hindi siya all girls. Private. Yes, last school mo na ito," she said while smiling genuinely.

   Parang nagka fire works naman bigla sa isip ko, excited na ako pero at the same time, curious kung sino yong mga makakasama namin dito sa bahay.

   Nasa dinning area na kami ngayon at kumakain na ng dinner. Nakatulog na agad ako kanina dahil sa pagod, bumyahe kasi kami ng almost 4 hours sa plane then 3 hours na byahe using our van kasama sina kuya Kevin and si Kiara: mga kapatid ko.

"Mom, bakit po may mags stay sa room ni ate and dun sa bakanteng room sa tapat niya na ibang students?" Kiara asked.

"Kasi madalas kaming mawawala ng dad niyo dahil aasikasuhin namin ang buainess dito. Si kuya niyo naman, marami nang gagawin na school works kaya baka hindi na kayo mabantayan, so I hired students para mag bantay sa inyo, lalo na sa'yo, Kiara. Para na rin may iba kang ate and kuya," mom answered and Kiara just simply nodded.

Special TalentWhere stories live. Discover now