3:00 PM - Sunday
Na'ndito ako sa bahay at nagr ready na dahil maliligo ulit ako, pupunta kasi kami sa church. Buti na lang at dalawa ang misa dito, dahil kung isa lang, nako baka di ako makabili ng school supplies dahil 10 AM daw yung first mass.
After kong maligo, sinuot ko na yong dress ko na peach with black linings at ang doll shoes kong peach with black linings. Hindi ako naglalagay ng makeup kasi feeling ko, pampa-pimples lang sila; Kahit liptint, ayaw ko.
Bumaba na ako at nakita ko naman si Iris na naka floral dress and heels. Nauna na siyang bumaba kanina kasi hindi na siya naligo, naligo nanaman daw kasi siya kanina bago kami mag mall. Medyo natawa naman ako sa sinabi niya kanina kaya medyo nawala yong inis ko sa kanya. Napatingin ako kay Clyde at nakita kong naka hoodie sweatshirt at pants with white shoes lang siya. Simple lang pero ang lakas ng dating. Dumako naman ang tingin ko kay Sage, he's wearing a gray sweatshirt with black jacket and black pants. White rin ang suot niyang shoes. Ang hot niya tignan pero mararamdaman mo pa rin yong cold aura na nakapalibot sa kanya. And lasly, si kuya Kev naman ay naka polo shirt at denim pants with white shoes din.
Napansin ko naman na wala pa si Ara kaya umupo na lang ako sa bakanteng pwesto dito sa sala, which is yong pinag gigitnaan nina Sage at Clyde.
"Waaah Kia, napaka cute mo d'yan sa suot mo," nang gigigil na sambit ni Iris. Feeling ko anytime aatakihin niya ako at kukurutin ang pisngi ko, gigil na gigil siya sa'kin.
Sumang-ayon naman si Clyde, "tama, tama. Yong mukhang bata mong mukha ay lalong bumata," nakaka baliw nitong statement. Hindi ko alam kung insulto ba yon o ano eh.
Nakita ko namang nag thumbs up si Sage at ngumiti ng onti pero lumabas agad yong dimples niya. Bigla ko namang naramdaman na uminit yong pisngi ko kaya umiwas ako ng tingin. Narinig ko na lang si Kuya Kev na tumatawa dahil sa nasaksihan niya. Tinignan ko siya ng masama dahil alam kong mang aasar siya mamaya, at nginitian niya lang ako ng nakakaloko.
Pagkalipas ng ilang minuto, nakita naming pababa na si Ara kaya lumabas na kami ng bahay. Ang suot niya ay plain peach top and floral skirt, at ang shoes niya ay peach din. Hindi namin kasama sina mommy dahil may aasikasuhin pa silang papeles dahil maglalagay kami ng branch sa Golden Gate Mall. Sabi ni daddy, ipagdasal na lang daw namin sila, napangiti naman ako do'n at tumango.
••3:45 PM - Sunday - Church••
Inaantay pa namin mag start yong misa kaya tahimik lang kaming nakaupo dito. Dito kami sa maya bandang harap, siguro 3rd row 'to at sa gitna kami.
Habang nag iintay, naalala ko yong nangyari kanina sa mall after ko mag cr. Naalala ko nanaman siya.
°Flashback°
Tapos na akong mag cr and palabas na ko, habang naglalakad kinakalkal ko yong bag ko kasi hindi ko makita yong wallet ko hanggang sa bigla na lang akong napaupo sa sahig dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga sa akin.
Napatingin ako don sa nang bunggo sa akin at handa na sana siyang sigawan nang makita ko ang mukha niya.
B-bakit siya na'ndito?
"Ana?" Confusion was written on his face. Di ko akalain na makikita ko ulit siya.
YOU ARE READING
Special Talent
Teen FictionMayaman, maganda, matalino, almost perfect; Ganyan ang tingin ng marami kay Kiana Colene O'Brien, pero ang hangad niya lamang ay simpleng kabuhayan. Masaya na siya sa kung anong meron siya. At higit sa lahat, masya siya pag may nasasaktang iba ng da...