II- MALIK-MATA

76 7 1
                                    

ANG CRUSH KONG SAKRISTAN
Written by: chupiyaaa

- II -

//MADELAINE’S//

Kasalukuyan akong nasa kwarto at nagre-review. May quiz kasi kami bukas sa kaya kailangan kong ma-perfect ito. Hindi pwedeng hindi aba! Senior High na nga pala ako at kasalukyan akong kumukuha ng TVL-Track, Tourism Strand. Pangarap ko kasi talaga balang araw na maging isang flight stewardess, kaya para makamit ko iyon, sinisimulan ko sa pag-aaral ng mabuti. Ang quiz nga pala namin ay patungkol sa mga Major International Airport Codes ng iba’t-ibang bansa. Easy man kung titignan dahil area codes lang ito, pero mahirap kayang ipasok lahat sa utak mo ang dami ng codes na ito. Nasa Area 1 - North America palang ako at wala pa sa kalahati ng mundo. Umpisa palang at wala pa sa katotohanan. Kaiyak diba?

Buong araw lang akong nakakulong sa kwarto at nag-aaral. Napapagod man ang utak ko sa pagkakabisado, pero kailangan kayanin. Paano ako magiging isang flight attendant kung wala akong alam sa mga codes. Consistent honor student nga pala ako, pero wala akong specific na rank. Rumble man kung tutuusin, pero ang pinaka-mataas na siguro na na-achieve ko ay ang pagiging 3rd honor. Hindi ko naman hinahangad ang maging una o kahit pangalawa, basta nasa top, masaya na ako. Iyon lang naman ang natatanging request nina Mama at Papa sa’kin eh. Ang pagbutihin ang pag-aaral, lahat ng grades pasado at bonus nalang ang makapasok sa honor roll.

“Toronto, Ontario is Yankee Yankee Zebra. Ottawa, Ontario is Yankee Oscar Whisky. Quebec, Quebec is… is…”

Hala ano nga ba iyon? Hindi pwedeng tumingin sa kodigo. Kinabisado ko na ito kanina, ngayon nakalimutan ko nanaman!

“UGH!!!!!” Napasigaw nalang ako dahil nasa dulo na ng dila ko pero hindi ko masabi! Huhu, paano na ako sa quiz ko nito bukas!

Narinig kong may kumatok sa aking pinto. “Pasok!”

Si Mama pala. “I heard you shouting.”

“Sorry Ma.”

“Nakabisado mo na ba?” Tanong niya sa’kin at lumapit sa kinaruruonan ko.

I just yawned. Medyo nakakaantok na ring magkabisado. “A little. I just memorized it kani-kanina lang tapos ngayon na ni-re-recite ko na siya, hindi ko masabi.” Gusto ko nang sukuan dahil napapagod na rin ang aking utak sa mag-aral. Pahinga muna siguro, kahit nagsisimula pa lang talaga ako. Hihi!

“Naka-focus ka ba talaga sa codes o sa crush mo?” Natatawang tanong ni Mama. Grabe siya, hindi ko na nga iniisip (sa ngayon) si crush eh. Syempre aral is life dapat muna kaya mamaya na siya.

“Hindi na nga eh.” Naiinis na sagot ko.

“Sus, kunwari ka pa. Tama na muna yang crush crush na yan. Magagalit lalo ang Papa mo kapag iyang crush moa ng dahilan ng pagbagsak mo.” Nakuha pa akong takutin ni Mama. Seryoso naman ako ah? Mukha ba akong nagbibiro?

Napakamot nalang ako sa ulo. “Hindi ko na nga siya iniisip ehhhhhhh!”

“Oo na at dahil diyan, samahan mo ako.” Samahan saan?

“Saan naman, Ma?” Pagtatanong ko sa kaniya.

“Samahan mo akong mamalengke ngayon. Para naman makapag-pahinga muna iyang utak mo.”

”Sige po. Pero pwede ding dumaan tayo mamaya sa Potato Corner.” Hirit ko kay Mama. Tuwing lalabas kasi kami, may stall doon sa palengke ng Potato Corner na palagi kong pinag-bibilhan.

Medyo sumimangot si Mama. “Alam ko namang hihirit ka eh. Sige na, magbihis ka na.” Tumayo na siya at naglakad palabas ng aking kwarto.

“Yey!!!” Sigaw ko na siguradong narinig niya.
_________________________________________

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Crush kong Sakristan (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon