❀ 1 - Last Day ❀

13.1K 207 9
                                    

* FREEYA POV *

"Seaaaaahhh!! gising na anong oras na ma la-late ka na jusko kang bata ka!!! ano oras ka na naman ba natulog?."

"Freeya, ano ba umalis ka nga jan inaantok pa ko eh shooo alis."

          Talaga tong batang to oh!!! siguro nag puyat na naman to ka kagawa ng song cover o kaya naman ng dance cover, tas di naman ina-upload, ang ganda pa naman ng boses nya, pero mas magaling sya sumayaw. Teka nga! ay oo nga pala di nyo pa ko kilala. Ako si Freeya, ang kanyang fairy, oo may fairy sya, nung nag 3 y/o sya don ako nag pakita sa kanya, niligtas ko sya, muntik na kasi sya masagasaan, pero sya lang ang nakakakita sa akin, sya lang din ang nakakarinig, alam naman nyang di sya normal na tao gaya ng mga magulang nya, habang lumalaki kasi sya unti-unti na nyang na di-diskubre ang kanyang ability, magaling na sya gumamit ng kanyang charms, pero di nya ginagamit dito sa mortal world dahil baka may makakita pa sakanya at alam nyo na, pero kahit di nya gamitin ang charms nya marunong naman sya makipag laban ng mano-mano, tinuruan sya ng mga Gods and Goddesses, nung nag 10 y/o na kasi sya nag pakita na sila sa kanya at tinuruan na sya gumamit ng charms nya, para daw sa pag babalik nya handa na sya, teka anong oras na asan na yung alaga ko?

"Seah, asan ka??" bigla naman syang lumabas ng pinto galing C.R nakabihis nadin sya ng uniform nya, wow ang bilis ah.

"Daldal mo kasi kaya di mo na ko namalayan, tara na nag aantay na sila mama at papa gutom na din ako." at ayon na nga bumaba na kami.

"Good morning mama & papa" sabay halik sa kanyang mga magulang, alam ni Seah na hindi sya tunay na anak ng mga ito dahil sinabi sa kanya ang totoo, pero gayon pa man ay di naman sya nagalit, nag pasalamat pa ito dahil tinuring syang tunay na anak ng mga ito.



* SEAH POV *

     Hi, ako nga pala si Kelseah Jieun Mendoza. Lee, Haba no? yung mama ko kasi eh, Pero Seah (Seyah) ang tawag nila sakin, 16 na nga pala ko.

"Nak, kamusta ang school?" tanong sakin ni mama habang kumakain kami ng breakfast.

"Ganon padin naman ma, nga pala ma, pa, last day ko na ngayon sa school gusto ko lang mag paalam sa ka isa-isang kaibigan ko, alam nya kasi mag i-ibang bansa na tayo."

"Sigurado ka na ba jan sa plano mo anak?? sumama ka nalang samin sa state nak" mangiyak-ngiyak na si mama, si papa naman ibinaba na ang diaryo na binabasa nya at tumingin sakin.

"Nak 1 yr lang kami don at babalik din kami dito, pag andito na ulit kami dalawin mo kami ng mama mo ha aantayin ka namin, alam ko naman na hindi ka na namin mapipigilan eh." tumayo si papa at niyakap ako, niyakap nadin ako ni mama.

"Opo naman ma & pa, kapag may pag kakataon ako na ang bibisita sa state pag wala pa kayo dito, pwede naman ako gumawa ng portal eh."

"Oo nga pala para mas madali, sige anak aasahan namin ng papa mo yan ha! sige nak late kana pumasok kana, baka di muna rin kami ma abutan dito kasi ma la-late kami sa flight eh."

"Opo ma, mag iingat kayo don ha, mag enjoy ka don mama, nako ikaw pa naman! papa mag date kayo don ni mama kapag wala kang work ha! wag mo pa ba bayaan si mama ha, I love you both." niyakap ko nalang sila para di nila makita na umiiyak ako, pinunasan ko agad ang luha ko at hinalikan sila pareho sa pisngi bago nag paalam. Haist! kaya ko to! Ngayon lang kasi ako ma hihiwalay sa kanila.

AGARTHA ACADEMY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon