"Takbo brad!" Sigaw ng kasama kong si Xander aka Sitong. Napatingin naman ako sa likod at nakita ko kung gaano karaming estudyante ang naghahabol sa amin ngayon. Nagsimula naman akong tumakbo.
"Tangina! Pogi kasi natin eh! Hahaha!" Sigaw pa ni Justine, napatawa na rin ako. Mula nang makasama ko ang dalawang 'to ay nakilala na kami bilang Tres Gwapitos. Kingina ang korni pakinggan pero wala eh. Nasimulan na.
Walang problema sa amin kung tumakbo kami ng ilang metro, may kalakihan ang school kaya naman malaya kaming lumusot lusot sa mga buildings, ngunit kahit saan kami dumaan ay nadadagdagan ang humahabol sa amin.
Kingina, di naman ako kaguwapuhan para pagkaguluhan!
"Ayon! Doon tayo!" Turo ko pa sa room namin na mukhang walang lamang estudyante. 10 minutes na kaming tumatakbo, at patuloy parin sa paghabol ang mga babae!
Daig pa namin ang artista sa rami ng humahabol sa amin, kung tutuosin ay wala naman kaming maibubugang tatlo, maliban sa Chess. Pare-parehong mahirap ang mga magulang namin, ngunit nakakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw.
Agad kong sinarhan ang likurang pinto nang makapasok kami, napatingin naman ako sa kabilang pinto at natigilan nang makita ko si Cliv. Nakatingin siya sa akin ngunit parang tagusan ang tingin. Mabilis itong lumabas.
"Hoy Worth! Antayin mo ako!" Napakunot ako ng noo. Sino naman 'yon?
Bumalik lamang ako sa aking katinuan nang pabalibag na sinara ni Justine ang pinto sa unahan.
"Hala! Nasan na sila?"
"Sayang naman! Gusto ko pa namang halikan si bebe Justine! Huhuhu."
"Waahh! Asan na si babe Zion koooo~"
"Xanderrrr wer ka na ba?"
Nagkatinginan kaming tatlo at nagpipigil ng tawa.
"Tara na nga! Magpa-flag ceremony pa tayo."
Naghintay pa kami ng minuto saka pinakiramdaman ang paligid, sabay kaming napabuga ng hangin.
"Nakakapagod palang maging guwapo no? Tsk." May bahid ng yabang na sambit ni Xander habang naglalakad papuntang flag pole, napatingin naman ako sa kanila.
"May kilala ba kayong Worth?" Kumunot ang noo nila pareho nang makarating kami sa Flag Pole.
"Transferee 'yon dito brad, three weeks ago na." Bulong pa ni Justine. Hindi naman ako nakaimik dahil nagsimula nang kantahin lupang hinirang. "Kahit kailan talaga ay wala kang pakialam sa paligid mo." Dagdag pang bulong nito.
Pagtapos ng Flag Ceremony at iilang mga announcements na ipinaalam ni Mr. Principal ay dumiretso na kami sa classroom namin, magkaklase kami ni Cliv. Pareho naming pinangarap na maging pulis, ngunit noong tinanong kami kung anong gusto naming maging at bakit namin kinuha ang strand na HUMSS ay iba ang naisagot niya. Alam kong apektado siya sa naging desisyon ko ngunit wala na akong magagawa, hindi ko na puwedeng bawiin ang naging desisyon ko.
Katabi ko ang dalawang gunggong, tahimik lamang akong nakikinig sa kamanyakan nila sa mga kaklase naming babae.
Manyak lang sa salita, hindi sa gawa.
Hindi ko pa nakikita si Cliv sa loob, at hinahanap siya ng mga mata ko. Patuloy parin sa pagpapa-cute ang ilang mga babae sa harap namin, hindi na lamang namin ito pinapansin.
Sa kakahanap ay natigilan ako sa pagpasok ng mukhang may lahing kano, hawak niya ang braso ng kababata kaya agad na kumunot ang noo ko. Nakakunot ang noo ni Cliv habang hawak hawak no'ng lalake ang braso niya.