Tuldok
Isang panandang ginagamit panapos sa isang
pangungusap.
Tuldok.
Sinasabi sayong tapos na at wala ng
maidurugtong pa.
Tumatapos sa mga bagay na sinimulan na.
Panandang nagpapamukha sayong hanggang
doon na lamang at wala ng pag-asa pa.
Dalawang Tuldok.
Mas ipinaparamdam sayong tapos na talaga at
kahit anong asa mo ay wala na.
Nagpapatunay na tapos na ang kung ano
mang tinapos mo na.
Mas pinaparamdam sayo ang hangganan na
tumapos sa lahat.
Tuldok.
Tapos na. Isa pang tuldok. Mas ipinapamukha
sayong wala ka nang pag-asa.
Tuldok. Dalawang tuldok. Tuldok
Tuldok na tumapos sa atin.
BINABASA MO ANG
Mga Tanda ng ating Pagmamahalan
PoetrySampung pananda, Sampung kahulugan, Sampung dahilan, Mga rason ng kanyang paglisan.