Kuwit
Isang panadang ginagamit sa paghihiwalay
ng pangungusap.
Panandang nagpapaalala sa ating hindi
na tayo tulad pa ng dati.
May nagbago at hindi na maibabalik pa.
Nilagyan mo nang pananda ang pagmamahalan natin.
Tandang nilagyan mo na ng pagitan
ang ating mga puso.
May espasyo. May puwang.
Sapagka't siya ang ipinalit mo sa
puwang na may roon ang puso mo.
Itinulak mo ako palayo.
Palayo sa bagay na pinakaiingatan ko.
Masakit man ay tinanggap ko na sa bawat paglingon
mo hindi na ako ang nakikita at hinahanap mo
dahil mayroong sya sa pagitan natin.
Syang pinili mong ipalit sa pwesto ko sa buhay mo.
Ngunit sa ngayon, sa ating dal'wa'y
ako ang may puwang sa puso, isang malalim na butas
na walang makakapunan maliban lamang sayo.
Sa ikalawang pagkakataon
muli mo na naman ako itinulak palayo sayo,
hindi lamang maliit na espasyo kundi malaking pagitan
hanggang sa hindi na kita muling makita pa.
Nilayo mo ako ng sobra sobra.
Idagdag mo pa ang tuldok na iyong inilagay
matapos ng kuwit.
Nangangahulugang hanggang doon
na lamang ang lahat.
Ikaw. Kuwit. Pagitan. Kuwit. Puwang. Kuwit. Tuldok. Ako.
Kuwit na naghiwalay sa ating dalawa.
BINABASA MO ANG
Mga Tanda ng ating Pagmamahalan
PoetrySampung pananda, Sampung kahulugan, Sampung dahilan, Mga rason ng kanyang paglisan.