Chapter 11-

792 13 0
                                    

Nagmumura pa si Gail at sumasagot din si niki.

Ano ba!!? Punyeta!!! Magkakaklase tayo!! Magsitigil kayo!!! Pasigaw na sabi ko sa kanilang dalawa.

Napatahimik lang ang mga kaklase namin at kaming tatlo lang ang naiwan na nakatayo sa loob ng classroom namin, daig pa nila ang nanonood ng stage play sa eksenang nagawa namin.

Subalit sa isang stage play, may isang bida na darating para gapiin ang mga kontra bida sa istorya.

Anong kaguluhan toh!? Tinig ng isang babae mula sa pinto ng classroom namin at nang lingunin ko ito ay nangilabot ako dahil adviser namin ang nakatayo sa pintuan at pinagmamasdan kaming tatlo.

Nico ikaw na naman ba ang pasimuno sa kaguluhan na ito!? Hindi ka ba nagsasawa sa kagagawa ng gulo huh!!? Paratang ng teacher ko sa akin na wala man lang siyang basehan.

Tinanggap ko nalang ang mga bintang ng teacher ko sa akin para makaligtas si Gail at Niki sa parusa.

Principal office na naman ang bagsak ko, pero nung panahon na yun ako unang nagkaroon ng suspended letters.

1week ako suspended sa dami ng gulo na kinasangkutan ko.

Tinanggap ko lahat yun at Hindi ko ipinaalam sa magulang ko na suspended ako.

Pumapasok pa rin ako araw araw pero sa harapan lang ng bahay nila isabel ako nag uubos ng oras, subalit isinuplong ako ng ate ko sa magulang namin.

Sa pagkakataon na yun ako nakatikim ng hataw ng nanay ko, nakaupo lang ako sa sofa namin habang pinapalo ako ng walis tambo, hindi ko na ginawa pa umilag o dumaing, pakiramdam ko nun manhid ang buong katawan ko.

Puro latay ang braso at hita ko, pero mas hamak na masakit ang dibdib ko sa pangyayari sa amin ni gail.

Mabilis lumipas ang araw na suspended ako, hanggang muling makabalik ako sa paaralan.

Tahimik kong tinahak ang upuaan ko at nagtaka ako kung bakit nakaupo si gail sa kaliwa, si niki naman sa kanan at ako sa pagitan nila.

Nico yan ang bagong sitting arrangement niyong tatlo, isang beses ka pa masangkot sa gulo, kick out ka na! Babala ng adviser ko sa akin.

Hindi ko maintindihan kung ano ang mararamdaman ko ng panahon na yun, dahil katabi ko ang dalawang babae na minsan dumaan sa buhay ko.

Ang isa ay mahal ako at ang isa naman ay mahal ko.

Subalit kahit mahirap ay pinilit ko nalang maging normal ang pamumuhay ko sa loob ng classroom namin.

Si niki ang madalas na kumakausap sa akin at madalas na magkasabay kami kumain tulad ng dati.

Subalit minatamis ko na lang na isubsob ang sarili ko sa pag aaral at huwag nang bigyan pansin pa ang mga babae sa paligid ko.

Pinilit ko ituwid ang kamalian na nagawa ko sa paaralan, subalit ang tatak ng pagiging palaaway ay hindi na nawala pa sa pagkatao ko.

Maraming beses ako nakalasap ng masasakit na salita sa mga teacher ko, mga pagbabanta at babala na tumanim lahat sa dibdib ko, walang kahit isa sa kanila ang gumabay at naniwala na maaari pang magbago ang isang batang gaya ko.

Madalas rin akong ikumpara sa ate ko ng mga teacher namin, mula daw sa gender at buong pagkatao namin ay sobrang magkaiba kami.

Kung gaano daw katalino, tahimik, mabait at maasahan sa klase ang ate ko, kabaligtaran ko raw lahat, yun ang halos araw araw ko nilasap sa mga teacher ko nung grade 6 ako.

Itim na tupa kung ako'y ituring sa klase, gusto ko ng huminto sa pag aaral nung sandaling yun, subalit may isang nilalang na naniwala sa kakayahan ko at siya yung nagturo sa akin ng mga tamang gagawin.

Gangsta ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon