Chapter 1-

2.6K 24 1
                                    

June 1993. Grade 3 ako nun ng makilala ko si Cris.

Unang araw ng pasukan natural na bago lahat ang gamit ng mga estudyante, pero si Cris kapansin pansin na hindi inaasikaso ng magulang niya.

Lumang ang short may butas ang damit, luma ang bag naka tsinelas at halatang hindi naligo.

Nung panahon na yun hindi naman obligado ang mga bata na magsuot ng school uniform sa public school, ang importante pumasok ka araw araw papasa ka na.

Buong maghapon nakatuon ang pansin ko kay Cris, hindi naman dahil naiirita ako sa kanya, naawa lang ako dahil nung recess hindi man lang siya tumayo para bumili ng makakain.

Hindi katulad ko na may bitbit ng lunch box may baon pa pera, maganda pa kasi ang trabaho ng tatay ko nung panahon na yun.

Ilang araw ang lumipas napapansin kong walang masyadong kumakausap kay Cris, tahimik kasi siya at medyo mukang matapang.

Recess time ng lapitan ko siya dala ang lunch box ko na may laman na dalawang tasty at zesto.

Binigay ko sa kanya yung isang tasty at yung zesto. Napatingin pa siya sa akin nung iabot ko ito, pero agad din naman niyang kinuha na hindi man lang nagpasalamat.

Cris ako nga pala si Nico, sabi ko.

Kilala kita, sagot niya.

Saan ka nag aral nung grade 2? Tanong ko.

Sa manila, galing kami ng tondo. Sagot niya.

Ahh saan yun? Tanong ko.

Basta malayo yun! Sagot niya.

Yun ang unang araw na hindi ko malilimutan sa kaibigan ko, nung nagkakilala kami, sa murang edad ko, aaminin ko na hindi talaga ako naexpose sa kahit anong gulo o away man lang, kaya pagdating sa school, kapag may nang aaway sa akin natahimik nalang ako.

Pero si Cris, nung grade 3 kami kahit sino nilalaban niya, sa kanya ko natutuhan ang salitang di bale ng mabugbog, ang mahalaga lumaban ka!!
Madalas na kami magkasama nung panahon na yun, umaarkila ng bike, nangunguha ng mangga, nagpapalipad ng saranggola at kung anu ano pa klaseng laro.

Hindi ko malilimutan nung unang beses kami nagkaroon ng kaingkwentro, nagbibisikleta kami nun sa may subdivision na malapit sa amin ng harangin kami ng dalawang lalaki na sa tantya ko, highschool student nung panahon na yun.

Hoy, bakit dito kayo nagbibike? Mga magnanakaw kayo noh!? Tanong ng isang lalaki.

Hindi po, dito po kasi ligtas magbike kaya dito kami palagi nagbibike. Sagot ko.

Agad na lumapit sa amin yung isa sa mga lalaking humarang sa amin at tinulak yung bike na sinasakyan namin, naka angkas ako sa likuran ng bike kaya ng natumba ito nakatalon agad ako at nakita ko nasugatan sa binti si Cris. Ako naman halos mangatog na sa takot nung nakita kong ginawa nung lalaking yun, nilapitan niya si Cris at kinapkapan ang bulsa.

Walang pera toh pre, yung isa kapkapan mo sabi ng lalaki.

Mabilis akong kinapkapan nung isang lalaki at nakuha niya ang perang pambayad namin ni Cris sa bike, wala kami nagawa nun, nakatanggap pa ako ng malakas na batok sa isa sa mga lalaking yun bago sila umalis.

Nakita ko si Cris na tutok lang ang mata niya sa dalawang lalaki habang palayo, hindi pa rin siya tumatayo sa pagkakatumba niya.

Cris tayo kana umuwi na tayo, sabi ko.

Nico bakit di ka lumaban? Hinihintay lang kitang gumalaw, papalag din naman ako, ikaw lang ang inisip ko. Sabi niya.

Cris nakita mo ba yun? Malaki sila, kahit lumaban tayo, magugulpi lang tayo ng mga yun. Sagot ko.

Gangsta ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon