Chapter 3-

978 13 1
                                    

Maraming nagtaas ng kamay na sobrang ikinatuwa ko.

Henry paki lista mo mga pangalan ng mga gusto sumali, mamaya uwian may meeting tayo, sabi ko sa classmate ko na sinapak nung taga kabilang section.

Nilista niya lahat ng mga sasali at natuwa ako ng makita na halos kalahati sa mga classmate ko ang gustong sumali, ang masaya pa nito maraming babae ang sumali sa gangsta ko.

Kaya mabilis akong nag isip ng pangalan ng gangsta namin, para may pangalan na kami.

Gusto astig at kakaiba para madaig ko ang SNG na binuo namin ni Cris.

Nabuo sa isip ko ang isang astig na pangalan na siguradong babagay sa grupo namin.

Genius Brotherhood Gangsta G.B.G
Bumuo na rin ako ng mga rules ang regulation, pati ang baptist gumawa na rin ako ng sarili kong likha na kakaiba sa naisip ni Cris.

Habang nagkaklase ang teacher ko ng mga oras na yun, abala naman ako sa pagsusulat sa notebook ko ng rules and regulation ng bubuuin ko na gangsta.

Hanggang umabot ng recess namin Hindi ko pa ito matapos, gusto ko kasi makagawa atleast 10 rules and regulation, habang nagsusulat ako ay
Nilapitan ako ni henry at inabot sa akin ang papel na listahan ng mga gustong sumali sa gangsta ko, kasunod ng papel ang tatlong mamisong sweet corn at isang kulay pulang big5 juice. (Kung nabuhay ka ng panahon ng 90's malamang alam mo ang big5 juice, at kaidad kita)
Kanino galing ito? Tanong ko kay henry.

Tinuro ni henry ang unahang bahagi ng upuan namin at nakita ko nakatingin sa amin si Niki at nakangiti ito sa akin, natuwa ako dahil sa kanya ng galing ang pagkain ko, kaya nginitian ko rin si niki at nagthank you ako.

Matapos ko kainin ang sweet corn at mainom ang juice tinago ko sa bag ko lahat ng pinagbalatan nito.

Isa ito sa ugali ko, ang itago ang lahat ng bagay na binigay sa akin ng taong importante sa akin.

Nung panahon na yun hindi ko alam kung may nilagay bang magic spell si nikki o sadyang naging inspirasyon ko lang talaga siya, dahil natapos ko ng walang hirap ang 10 rules and regulation ng GBG.

Uwian na ng lapitan ako ni henry.

Nico yung ibang aattend ng meeting cleaners pa, pwede ba natin silang hintayin? Tanong ni henry.

Oo sige, tanong mo na rin sa mga classmate natin kung saan pwede bahay mag meeting Hindi kasi tayo pwede dito sa school baka malaman ng mga teacher. Sabi ko.

Sa bahay namin pwede, may kubo sa likod namin na pinag iinuman lagi ng daddy ko. Sabi ni henry.

Kaya nagpasya ako sa bahay nalang kami nila Henry magmiting.

Ilang saglit lang kami naghintay at dumating na ang mga cleaners na hinihintay namin, masaya ako dahil higit sa bente ang mga kasama ko na willing sumali sa binubuo kong gangsta, karamihan sa mga kasama namin ay babae at kasama dito si Niki.

Mommy may pag uusapan lang kami ng mga classmate ko sa likod, dun kami sa kubo ni daddy huh!! Sabi ni henry sa mommy niya ng makarating kami sa bahay nila.

Pinapasok naman kami agad ng mommy ni henry at nakita ko na malawak nga bahay nila, malaki rin ang likuran nila na may kubo na kasya kaming lahat.

Pinaupo ko na lahat ng classmate ko para makapag Simula na kami.

Okey, mga classmate labas kayo ng papel may ipapasulat ako sa inyo, utos ko sa mga classmate ko.

Agad naman silang naglabas ng ball pen at papel.

Magsisimula pa lang uli ako magsalita ng dumating ang daddy ni henry na may dalang meryenda.

Oh mga bata kain muna kayo, ano ba yang activity niyo? Tanong ng daddy ni henry.

Gangsta ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon