Prolouge

258 67 100
                                    

Tahimik akong nagsusulat sa diary na binigay sa akin ng misteryosang lola. Tama nga siya, nakakagaan ng loob kapag isinusulat ko ang mga hinanakit ko dito. Isinulat ko lahat ng mga sakit na nadarama ko at pati na rin siyempre ang mga magagandang bagay na nangyari sa akin. Lastly, sinulat ko din yung pagkapanganak sakin dahil simula noon nagkaroon na ng definition ng maganda. Like duhh, thank me for introducing that word to you.

Dali-dali naman akong bumaba papuntang kusina dahil bigla akong nagutom. To be honest, almost lagi akong gutom. Maybe, 99% ng buhay ko ay puro pagkain ang iniisip ko.

Ano kaya? Cake? Cupcake? Chocolate? Apple Pie? Choco pie? o Cutie pie?

Dahil hindi ako makapili, kinuha ko na lahat at agad na dumiretso sa kwarto ko upang ituloy ang aking isinusulat. Yes, mukhang trip kong isulat lahat ng buhay ko sa diary ko eh, pati na din pagdumi ko charot.

Inilapag ko na ang mga dala kong pagkain sa puting mesa na malapit sa aking higaan. Pagkalapag ko ay agad kong kinuha ang diary ko at binuklat. Nagulat naman ako ng may biglang liwanag na nanggaling sa diary kaya agad akong pumikit.

Arghh! Ang sakit sa mata.

Pero mas nagulat ako ng may nakarinig akong isang hindi pamilyar na boses. Shete, panibagong prank nanaman ba ito? Pero infairness, ang gwapo ng boses, enebe! Tsaka napakagaling naman ng pagkaprank, pero duh...the beautiful Amelia Danel Salcedo can't fall for that trick.

"Oh, open your eyes now. The handsome Watson is here Amy."

What the fvck? Ang lakas ng hangin, tinatangay ako. Pero pwede din kasi ang gwapo ng boses niya. Arghh! Huwag kang marupok Amy okay? Enebe nemen, de ke keye eh.

Pero sandali, baka naman boses lang yung gwapo. Agad kong dinilat ang aking mga mata at napansin kong wala palang tao. Shete! Kala ko pa naman magkakabebe na ako.

Dismayadong isinara ko ang aking diary at balak na sanang ilagay sa mesa na asa aking likuran kaso may nakita ako. Shete, napakagwapong nilalang!

Kitang-kita mo ang kanyang kagwapuhan sa kanyang maputi at makinis na balat. Like duhh, his black hair, thick brows, pinkish red lips and his tall figure fits him so well. Pero, sino ba siya? Ano ang ginagawa niya sa kwarto ko?!

Shit! Baka magnanakaw itong gwagong. Kinuha ko ang aking emergency weapon which is isang mabigat na unan. Ako kaya ang the best when it comes to pillow fighting. Naiisip ko din na baka zombie siya and nagkazombie apocalypse na nga, which is good to me dahil makukuha ko na lahat ng pagkain sa seven eleven for free. Sorry Courtney! Pero impossible kasi ang gwapo niya hehe.

Ibabato ko na sana sa kanya ang aking weapon or should I say unan ng biglang magsalita nanaman siya.

"Mukhang gulat na gulat ka ata? It's okay, I'm used to it," sabi pa niya habang nagpopogi sign. Ang hangin niya pero totoo naman. Agad kong tinaas ang aking kilay. "Ahem, ahem, nabasa na ba niya yung mga sulat mo para sa kanya? I bet he doesn't," nakasmirk na sabi niya.

Shocks, paano niya nalaman yan? Magnanakaw na nga stalker pa tapos nilalait niya ba ako? How dare him!

"Who are you?" pasigaw kong tanong. Okay Amy, relax lang okay? Nakita ko namang natawa siya sa akin kaya mas lalo akong naiinis. Naglakad siya papunta sa akin kaya agad akong napaatras. "No, huwag kang lalapit sa akin," natatakot kong sabi habang naglalakad paatras.

"What if I told you that I don't want to," nakasmirk niyang sambit habang mabagal na naglalakad patungo sa akin. Asan na ba kasi yung phone ko para tumawag ako sa 911? Shete, nasa higaan pala.

Naglakad pa ako paatras at napamura ng maramdaman kong pader na ang nasa likuran ko. Nakita ko namang lihim siyang napangiti at in fairness ang puti ng ngipin niya, siguro nag colgate siya. Maybe kailangan ko ng gamitin yung brand na iyon para pumuti naman yung ngipin ko.

Ahhh fvck! Nagulat ako dahil bigla siyang tumigil sa harap ko at yumuko tapos nakipag eye to eye siya sa akin. Ang tangkad niya kasi tapos ang liit ko. Sheteng magnanakaw slash stalker!

Kitang-kita ko ang mata niyang tila ba diyamante at ang kanyang mahahabang pilikmata. Nakakainis siya, bakit siya pa yung biniyayaan ng ganyan kagandang mata.

"Who the hell are you?" nanginginig kong tanong sa malakas na boses. Oo, gwapo siya pero paano kung may kutsilyo pala siyang dala. Shete! Dapat kanina pa ako humingi ng tulong. Nagpadala ako sa kagwapuhan niya.

Napansin ko naman na lumungkot siya at naging peke na yung ngiti niya. Pero kahit nakasimangot siya ay gwapo pa din. Arghhh! Stop complementing him Amy!

Hinawakan niya ang aking pisngi at tinignan ako sa mata. Agad kong tinanggal ang kamay niya. Gusto ko siyang sampalin, but I can't. Hanggang salita lang ako magbanta pero deep inside, I'm weak. I'm weak dahil pinipigilan ko ang aking sarili dahil I might kill another person again. But his answer made my jaw drop. Literally drop.

"I'm Watson and I am your diary."

I Love You DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon