DIARY 2

163 60 79
                                        

Lives left

Amelia's POV

Agad kong kinuha ang diary at pinagmasdan ito ng maigi. Medyo makapal ang talaarawan at ang gaspang ng brown na cover nito. Inamoy ko naman ito at shet! Amoy pabango ng lalaki ang libro kaya napaisip ako ng malalim. Ang may-ari nito ay si lola... possible kayang hindi ito sa kanya? "Creepy" bulong ko sa aking sarili.

Napakapit naman ako ng maigi sa aking bag ng maramdaman ang hapdi sa kabilang braso. Kung kanina ay sa kaliwa, ngayon naman ay sa kanan. Shete! Para akong binabalatan ng buhay! Tinaas ko ang manggas ng aking puting uniform at napatingin sa sugat ko. Napatulala ako ng mabasa ko ang nakasulat. Mas maliit ang sugat na ito kumpara sa kanina na agad din namang nawala. Nasa tago din itong lugar dahil kinailangan ko pang itaas ang manggas ng aking uniform.

Lives left:5

Napatawa ako ng mahina sa nakita ko. Ano toh? Games na may mga lives tapos kapag naubos yung lives ay game over? So funny. Napatingin ako sa paligid. I am so sure na prinaprank lang ako ng kung sino, magic doesn't exist. Pero may mga tanong lang na nasa isip ko, bakit nasa bag ko yung diary? Bakit nasusugat ako? Bakit ang ganda ko? Just kidding.

"Whoever you are, lumabas ka na. Kung ayaw mo, mabubugbog ka ng di oras sa akin," sigaw ko kaya pinagtitinginan ako ng mga tao na nasa paligid ko. Of course, that's a lie! I promised myself na never na ako magbubugbog.

Dahil wala naman atang balak na umamin, di ko nalang ito pinansin at binalik ko nalang ang diary sa aking bag. Pinatong ko din ang bag ko sa lamesa at inihiga ko ang aking ulo sa mesa habang ako ay nakaupo. Mahirap ang ganitong posisyon ngunit sanay naman na ako. Sanay na din akong pagtinginan ng mga tao dito dahil sa pagtulog ko sa Seven Eleven. I love attention!

"Quit staring at my beautiful face!" Malakas na sigaw ko. Hindi ko alam kung pinagtinginan nanaman ba ako sa pagsigaw kong iyon dahil nakapikit na ako. I also don't care, all I want is to sleep. Err, I also want to eat...basta libre.

**
I am currently waiting for our teacher. Maaga akong gumising kanina at agad na pumunta ng bahay upang maligo at magbihis. Walang reaksyon sila mama at papa ng makita nila ako. They don't care about me naman eh. I mean, they cared about me.

Kanina pa ako bored dahil hindi ko dala iyong phone ko. Tapos yung mga uto-uto kong kaklase ay may sariling mundo. Tsaka I have no intention of talking to them, they are one of the reasons kung bakit namatay ang totoong ako. Ughhh! Fuck! But I'm already happy with myself now, yung walang paki sa paligid.

Napatingin din ako sa katabi kong nakaearphones. I don't know kung kasama siya sa mga uto-uto group, which consists of my classmates at ibang grades na nauto ni Rochelle, but I guess he isn't kasi never ko pa siyang nakitang tumulong or makipagusap manlang sa kaklase ko except kapag school stuffs. Hindi ko pa nga siya nakitang tumawa eh!

Maybe he's a loner? Or an introvert? Actually, gusto ko siyang kausapin, but nahh... I'm done caring for other people.

"Good Morning Class!" Agad akong napaayos ng upo at tumingin nalang sa harap. Everyone greeted, except me and itong katabi ko. "Pick your partners," maawtoridad na utos ng guro namin sa Biology . Makikita mo ang pagkaseryoso sa makapal na kilay at malaking mata nito. She's very friendly and cheerful pero kapag nagseryoso ito ay tataas ang mga balahibo mo. She's also chubby na bumagay naman sa pula nitong buhok.

"Partner tayo Rizie!"
"Sorry, partner na kami ni Seline"
"Seline, alam mo na"
"Paano na toh? Ma'am pwedeng by three nalang?"
"Miss, okay na po"

"Okay, lahat na ba ay may partner?" mahina ngunit puno ng awtoridad na sambit nito. Ang mga kaklase ko naman na humihirit na gawing tatlo ay wala ng nagawa. "Since there are 48 students, there will be 24 pairs. Ang mga kapair niyo ang magiging partner niyo in all of the activities. Goodluck!" sabi niya pagkatapos ay umalis na. Err, so di siya papasok? "By the way, goodbye class." Masayahin na ang tono ng boses niya at kumindat pa ito sa amin. So, sinong partner ko? Argh!

Agad naman ng nagsialisan ang mga kaklase ko dahil matagal pa naman ang vacant namin.  Err, I'll just stay here...I guess?

Napatitig nalang ako sa board at napahinga ng malalim. "Magiging okay din ang lahat," mahinang bulong ko sa aking sarili matapos ay ngumiti ako ng mapait. Naramdaman ko din ang pagtulo ng luha ko kaya agad ko itong pinunasan. "Bakit ko pa kasi ginawa ang lahat ng iyon?" naluluhang tanong ko sa akin sarili.

Napapikit nalang ako at napakapit ng mahigpit sa bag ko ng maramdaman ko ang hapdi sa kaliwang braso ko. Napakasakit na para bang hinihiwa ang mga balat ko. "Aray!" mahinang daing ko dahilan upang pagtinginan ako ng mga natitirang estudyante sa room. Nakita ko namang natutuwa sila sa nakikita nila kaya agad kong dinampot ang bag ko at umuwi na sa bahay.

**
Mga alas singko na ako ng magising. Agad kong tinignan ang kaliwang braso ko at nakita na wala na ang sugat dito. Samantalang, ang nasa kanan ko namang sugat na may weird na nakasulat ay nandoon pa din. Ano ba kasi meaning ng lives left na toh?

Flashback

Pagkalabas ko ng classroom ay agad akong tumakbo patungo sa isang tricycle. Malapit lang kasi ang bahay namin kaso nakakahiya naman kung nakita nila akong umiyak. I mean, I don't want them to see me weak. Ayaw ko!

Napalunok din ako ng mabasa ang aking nasa braso.

"Gamitin mo ang diary," mahinang basa ko sa nakasulat dito. Anong gagawin ko doon? Hayst, bahala na nga.

Pagkauwi ko ng bahay ay naalala ko na wala pala akong susi. Shete! Paano na toh? Pero agad din akong nabuhayan ng loob ng makarinig ng pagkalabog ng gate. Nakita ko ang gulat na mukha ni papa ng mabuksan na niya ang gate.

"Mano po," pilit na ngiting sambit ko at agad na nagmano. Nakita ko ang nagtatanong tingin ni papa. "Masama po pakiramdam ko kaya umuwi na po ako." Agad niyang ibinigay sa akin ang susi at agad na akong pumasok.

Medyo magulo ang bahay pagkapasok ko, parang may nagnakaw o parang may nagwala. Basag-basag kasi ang ilang mga paso na asa living room. Tapos ang mga unan ay pakalat-kalat. May mga statue din na nakatumba. Inayos ko nalang ang mga ito at napatingin sa isang picture frame na malapit sa mga upuan. Picture namin ito nila mama, papa at ate ngunit hindi ako kasali dito dahil punit ito. Tinignan ko din ang ibang mga picture frame at wala ni isa sa mga iyon ang mukha ko. Napaluha nalang ako ulit at agad na dumiretso sa kwarto ko.

Nanatili lang akong umiiyak habang ako ay nakatulog.

End of Flashback

Napatingin ako sa paligid ko at nakita ko ang diary sa tabi ko. Tinitigan ko muna ito at dali-daling kinuha. Binuklat ko ito at nagulat ng makita ko ang nakasulat dito.

Watson
5 lives left

Malaki ang pagkakasulat sa 'Watson' at ito ay kulay itim samantalang pula at maliit ang pagkakasulat sa '5 lives left'

Ito ba ang sinasabi niyang lives left? So ang ibig sabihin ay may 5 lives nalang si Watson? Pero wala naman akong kakilalang Watson! Tsaka wala akong pake sa kanya.

Mas lalo naman akong nagulat ng makita ko na may mga rules at regulations dito. Hindi na ako magtataka kung meron pang birth certificate ang diary na ito. I am 99% sure na mayroon itong birth certificate. Just kidding!

Binasa ko ang mga rules at talaga namang napakaweird ng mga ito. Grabe talaga yung nangpaprank sa akin. Kelan ba niya balak magpakita? Pero yung pagkakasugat sa akin, iyon talaga ang hindi ko maintindihan.

1. Alagaan mo ang diary.
2. Huwag na huwag mo itong iwawala.
3. Dapat ay lagi mong kasama ang diary, kahit saan ka man magpunta.
4. Huwag mong hahayaang may makabasa na iba ng iyong diary.
5. Kailangan ay lagi kang may maisusulat dito, hindi pwedeng may makaligtaan kang araw na wala kang naisusulat.
.
.
.
.
.
16. Kailangan mong ibalik ang diary kapag naubos na ang buhay.

Agad akong napatitig dito. Eh yun naman pala eh, edi ubusin ko na lahat ng buhay para ibabalik ko na. Ang daming rules eh! Pero, paano ko ba mauubos yung lives? Sasaksakin ko ba? Babarilin? Shete, ayaw ko namang mabalita na mamamatay diary ako!

Errr...bahala na nga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Love You DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon