DIARY 1

226 67 110
                                    

Mysterious Woman

Amelia's POV

"Miss Salcedo! Ano pang hinihintay mo?!" Nanlilisik na ang mata ng aming guro sa Matemakita habang siya ay nakatingin sa akin. Agad akong napayuko at rinig ko ang bulungan ng aking mga kaklase. "At talagang wala ka pang balak ha?" pagbabanta niya kaya agad akong napatayo.

"I'm sorry po ma'am," nahihiya kong paumanhin. Narinig ko din ang mga tawanan ng aking mga kaklase. Yes, I love attention.

"Anong magagawa ng sorry mo? Just answer that equation now!" galit na utos niya sa akin kaya dali-dali akong pumunta sa harapan upang sagutin ang equation. To be honest, madali lang ito para sa akin dahil I love math kaya I am 99% sure na tama ang sagot ko.

Tama naman daw ang isinagot ko kaya pumalakpak ang nga kaklase ko, I mean kuwaring palakpak. Pero dahil hindi ako papatalo, kunwaring nginitian ko din sila. Swerte nila, nginitian sila ng dyosa.

"Ang galing mo talaga, manang-mana ka sa iyong nanay," proud na proud ng katabi kong si Rochelle. Wow, ang galing niya talaga umacting. Kaya pala nauto niya yung mga kaklase namin eh.

"Ahh thank you so much," sambit ko habang nginingitian siya ng malapad kaya nakita ko ang kanyang pag-irap. Naramdaman ko naman ang pagtitig sa akin ni mama kaya agad akong napatingin sa likod. Umiwas siya ng tingin kaya umupo nalang ako. Yes, my mother is my math teacher. Sheteng buhay.

"Class dismissed" Kasabay ng pagsambit ng mga katagang iyon ay ang pag-ingay ng klase. Maski ako ay masaya tuwing naririnig ang mga salitang iyon. Duhh, sino ba namang hindi masasayahan kung uwian na diba?

Lalabas na sana ako ng classroom ng biglang may humila ng buhok ko. Shete naman oh! Alam kong maganda ang aking buhok pero hindi naman pwedeng pagkaguluhan nalang nila ito. Anong shampoo ko? Secret, magaganda lang ang pwedeng makaalam nun. Maganda ka ba?

"Iiwan mo nalang ba kami katulad ng ginawa mo dati?" nakangising tanong ni Rochelle kaya napataas ng kilay ko. "Baka nakakalimutan mong may atraso ka pa, Sweetie," sabi niya habang binibigyang diin ang salitang 'sweetie'. Napahalakhak naman siya kaya sumunod ang mga uto-uto kong kaklase. Naniniwala lang kasi sila sa video na iyon.

"So?" Nakita ko ang galit na tinging ibinibigay niya sa akin. Shete, ayaw kong gamitin ang aking bugbug skills para dito sa sheteng babaeng ito ah? Ayaw ko ng makapatay pa ng mukhang ipis.

Bigla naman siyang napatawa kaya napakunot ang noo ko. Naisip niya bang itake advantage ang hindi ko paggamit ng aking skills? Wow, she really knows me very well.

"Nakikita mo ba itong hawak ko?" tanong niya habang pinapakita ang cellphone niya. I knew it! Pero, wala na bang bago? Lagi nalang kasing yan ang pangblackmail nila eh.

Hindi ko nalang ito pinansin at naglakad nalang ulit palabas ng classroom ngunit hindi pa ako nakakahakbang ay isang sabunot nanaman ang natanggap ko. "Arghhh! Ano ba?"

Napalakhak naman si Rochelle at hinigpitan pa ang kapit sa buhok ko. "Clean this room first sweetie," diretso niyang sabi at binitawan na ang aking buhok. "Kayo na ang bahala sa kanya." Agad naman akong hinila ng mga kaklase ko palayo sa pintuan at sinaraduhan ako ng pinto.

"Fuck you all! Sagad! You bitch!" malutong kong mura habang naiiyak. Napaupo naman ako at nilabas nalang ang mga luha ko. Pasalamat nalang ako dahil hindi na nila ako nakikita na umiiyak. Pasalamat din sila dahil nagbago na ako, ayaw ko ng makasakit pa. Dahil sa huli, ako ang mas masasaktan kapag ginawa ko iyon. Isipin mo ba naman, baka iwan din ako ng mga magulang ko kung ginawa ko pa iyon. Sumandal nalang ako sa pader at ipinikit ang mga mata ko. I want to end this pain, but how?

Nagising ako ng maramdaman kong may nakatitig sa akin. Isa siyang lola na nakasuot ng pangjanitor. "Ano pa ang ginagawa mo dito, apo?" malumanay niyang tanong.

"Ahy, nakatulog po kasi ako at siguro ay hindi na ako nakita pa ng mga kaklase ko," pagpapalusot ko. Magaan ang loob ko sa mga lolo at lola kaya naawa ako ng nakita kong nililinisan niya ang classroom namin na sobrang dumi at gulo. Kalat-kalat pa kasi ang mga papel na punit-punit at ang mga upuan naman ay nasa kung saan-saan. "Ako na po diyan lola," pagprepresinta ko. Agad naman niyang inabot sa akin ang mop at walis tambo.

"Alagaan mo iyan ha?" Tumango naman ako. Ang ibig niya sigurong sabihin ay alagaan ko ang mga panglinis niya dahil pagnasira ay babayaran ko pa. Napatingin ako sa pintuan at nakita kong nakabukas na ito, uuwi na din ako kapag katapos kong maglinis.

Naglakad na ako patungo sa upuan ko at inayos ko ang pwesto nito upang maupuan muna ni lola. "Lola, maupo po muna kayo dito." Agad kong nabitawan ang mga gamit niyang panglinis ng makitang wala siya at nakalock na ulit ang pintuan.

Pinulot ko naman ang mga nahulog ko at laking gulat ng makita ang isang lumang diary imbis na mga panglinis.

"What the fuck! Lola! Stop pranking me po!" nanginginig kong sigaw.

Napasigaw pa ako lalo ng maramdaman ko ang hapdi na mula sa aking braso. Nakita ko ang mga sugat dito. Sobrang dami. Tinignan ko ito ng maigi at napansin na parang may nakasulat dito. Fuck! Fuck! Fuck!

"Alagaan mo ang talaarawan na ito," basa ko sa nakasulat dito kaya agad akong napasigaw ng malakas. Daig ko pa ang nasa horror movie sa tili ko. Shete Amelia! Gumising ka! Sinampal-sampal ko ang aking sarili ngunit wala akong maramdaman. Sinampal ko ulit ang aking sarili ng maramdaman na ang hapdi nito.

"Aray ko!" sigaw ko at agad akong nagising. Nakita ko ang isang babaeng seryosong nakatingin sa akin. Bagsak na bagsak ang kanyang mahabang itim na buhok at kitang-kita ko ang pagkabrown ng kanyang mata. Ang ganda rin ng kilay niya at pilikmata dahil makapal ang mga ito. Ang mga singkit niyang mata naman niya ay bumilog ng mapansing nagising ako. Ang ganda niya.

"Sorry, hindi ka kasi magising eh." Yumuko siya at tumayo. "Mauna na ako," paalam niya at nagmamadaling lumabas.

Inayos ko naman na ang mga gamit ko at nakita ko na malinis na sa classroom namin. What a crazy dream!

**
Napahinga ako ng malalim habang tinititigan ko ang puting bahay namin. Maliit lamang ito pero alam kong mayaman kami. Hindi ko alam kung bakit maliit lang ang bahay namin at wala manlang kaming yaya. "Ma, pa, pabukas po yung pinto!" sigaw ko habang kinakalabog ang gate. Dead battery na kasi ang phone ko kaya di ko sila matawagan. Ilang beses pa akong sumigaw ngunit hindi padin nila binubuksan ang pinto. I guess I need to sleep in Seven Eleven again.

**
"Hi Amy!" masayang bati sa akin ni Courtney habang inaabutan niya ng sukli ang babaeng pamilyar ang pigura sa akin. Nakatalikod kasi ito pero ng humarap siya ay nagulat ako. Siya yung babaeng sumampal sa akin. Ang sakit ng sampal niya! Actually, gusto ko siyang bawian kaso baka mapatay ko siya. Not to exaggerate pero sobrang lakas ko kasi sa mga suntukan lalo na kung galit ako. Kaya kong matalo ng mabilisan yung mga uto-uto kong kaklase pero nagpipigil pa ako. Ang daming namatay dahil sa ginawa ko noon, even my real self.

Nakita naman ako ng babae at yumuko nalang siya. "Nie, makikitulog ulit ako ha?" paalam ko at agad naman siyang tumango. Ilang beses na kasi akong nalockan sa bahay at sobrang saya ko dahil lagi siyang nandito upang matulungan ako.

Agad kong binaba ang bag ko at kukunin ko muna sana yung phone ko upang macharge ito dahil baka sakaling matawagan ko pa sila mama...kung papansinin nila ang tawag ko. Ngunit napatulala ako ng makita ko ang isang bagay.

The freaking diary is here! The freaking diary na nakita ko sa panaginip ko. Am I freaking dreaming again?!?

************************************
Author's Note:
OMFG! Ang daming scene na nabago. I don't know kung umayos ba or what nung inedit ko HAHAHAHA. By the way, kamsahamnida!

I Love You DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon