💓🖋
Pinusuan ko na ang profile picture ng ultimate crush ko na si Leandro. Member siya sa basketball team ng school. Nasa section 3 siya samantalang ako ay nasa Star Class. Oo. Pero hindi naman ako 'yung nerd na iniisip niyong may makapal na salamin, nakabraces, kulot ang buhok, at losyang manamit. Sadyang wala lang akong social life, mahilig akong magbasa, at bahay-school-bahay lang ang routine.
✨
Nag-post ang crush ko ng picture kasama ang teammates niya sa basketball. Stand out talaga ang kagwapuhan ng Leandro ko. Pero mas nanlaki ang mata ko sa in-a-relationship status ng only friend at automatically bestfriend ko na lang din na si Rosa. Aba! Hindi niya sinabi sa akin na sila pala ni Josh. Si Josh 'yung senior na nag-1st runner up sa Ginoong Wika last week. Kilalang playboy si Josh pero ewan ko ba at halos mamatay na sa kilig si Rosa kapag nakikita ito.
✨
"Kaya nga Pauline. Kahit ako hindi makapaniwala na in-accept ni Josh ang relationship request ko. Okay lang kasi alam naman ng buong school na may relasyon kami kahit sa facebook lang. Malay natin maging totohanan ang peg namin!" 'Yan ang malatalumpating reply ni Rosa sa akin kagabi noong tinanong ko siya. Sabi pa niya, "Why don't you try din what I did kay Leandro? Malay mo i-accept niya."
✨
Malalim ang iniisip ko habang nakaupo sa bench malapit sa room namin. Parang inuutusan kasi ako ng isip ko na gawin ang ideya ni Rosa kasi baka naman pumayag siya. Pero nakakahiya! Heto nga at hanggang pasulyap-sulyap lang ako sa kanya at baka mahuli ako. Wala namang nakakaalam na gusto ko si Leandro maliban kay Rosa. Paano na lang kung gawin ko nga iyon? Malalaman ng lahat na gusto ko siya. Ayaw ko ng atensyon.
✨
"Nothing haunts you like unexpressed feelings." Nag-post ako ng nilalaman ng puso ko. Baka naman makaramdam si Leandro at magparamdam din siya sa akin. Speaking of Leandro na gwapo, nagreact siya ng sad sa post ko! Ano kayang ibig sabihin nun? Naku! 'Wag mag-assume. 'Wag bigyan ng meaning.
✨
Galing ako sa CR nang makita ko si Rosa na hawak ang phone ko at sobrang lapad ng ngiti. Teka parang alam ko ang ibig sabihin ng ngiting 'yan! May kalokohang ginagawa si Rosa! "Ayan! Ako na ang nagsend ng request mong in-a-relationship status. Nakakadiri mabasa 'yung mga ma-madramang post mo e! Pasalamat ka sa'kin!" sabi niya habang tumatawa pa. Totoo ba ang narinig ko? Mabilis kong inagaw ang phone ko sa kanya at totoo nga! Anong gagawin ko? Nagchat si Leandro!
✨
"Anong kalokohan 'yan, Pauline?!", chat ni Leandro. Nagalit yata siya sa ginawa ni Rosa. "Sorry Leandro. 'Yung classmate ko may gawa nun. Sorry talaga." Iyon ang una at huling message niya sa'kin. Seen na lang ang ginawa niya sa reply ko. Ni-cancel ko ang request at hindi na muling nagpost sa account ko.
✨
Naglalakad ako papunta sa canteen kasama si Rosa nang mapansin ko ang pagtingin ng mga ka-eskwela ko sa'kin. Ano kayang nakakaagaw ng pansin nila? "Siya pala 'yung patay na patay kay Leandro? Akala niya siguro papatulan siya", narinig kong sabi ng babaeng nakaupo sa isa sa mga table. Lumingon ako kay Rosa para makita ang reaksyon niya sa narinig pero mukhang na-magnet na naman ang mata niya kay Josh. Paano nila nalaman ang kalokohang ginawa ni Rosa? 'Yun ba ang dahilan ng pagtingin nila? Si Leandro siguro ang nagsabi! Nakakainis! Nakakahiya!
✨
Nagsimulang gumulo ang buhay ko simula nang malaman ng buong campus ang kalokohan ko este ni Rosa. Kaya heto, ni ayaw ko na ngang pumunta sa canteen o sa cr man lang. Halos kasi tumagos na ang tingin sa'kin ng mga babaeng may gusto rin kay Leandro sa tuwing nakikita nila ako.
✨
Halos kaladkarin na ako ni Rosa papasok sa gym. Maglalaro kasi sila Leandro laban sa mga seniors. Marami ng tao kaya nasa bandang dulo na kami nakaupo. Wala naman siyang interes sa basketball kaya hindi ko maintindihan kung bakit siya nagyaya sa akin manood. Ako rin naman ay walang hilig sa ganito. Gusto kasi 'to ng taong gusto ko kaya gugustuhin ko na rin. Narito siguro si Josh kaya napadpad si Rosa rito.
✨
Tapos na ang game at syempre, wala namang tatalo sa Leandro ko kahit mga seniors pa 'yan. Pinigilan ko lang ang sarili ko na tumili sa tuwing nakakapuntos si Leandro. Tinititigan ko siya habang pinagkakaguluhan siya ng mga nagpapakuha ng litrato kasama siya. Nakita kong lumingon si Leandro sa direksyon ko. Nakatingin siya sa'kin at sumenyas na lumapit ako. Hinanap ko si Rosa pero wala siya! Pinagtitinginan na ako ng mga tao. Ayoko ng atensyon! Kinakabahan ako. May plano yata si Leandro na ipahiya ako sa mga tao. Dug-dug-dug-dug. Halos lumabas na ang puso ko sa rib cage ko. Hindi naman siguro ako mumurahin, sasampalin, o tatapunan ng tubig, di ba?
✨
Ilang hakbang na lang ang distansya namin ni Leandro nang tumugtog ang paborito kong kanta na You ng Carpenters. Napatigil ako sa paglakad. Nakita kong inabot ng teammate niyang si Carl ang isang kumpol ng mga rosas. Papalapit si Leandro sa'kin bitbit ang mga bulaklak. Pinaiiksi niya ang distansya sa pagitan naming dalawa. Teka, sa'kin ba talaga siya nakatingin? Sisigawan niya ako 'di ba? Siguro ihahampas niya sa'kin ang dala niya.
✨
Naririnig ko ang ingay ng mga tao pero mas nangingibabaw ang ingay ng pagtatalo ng puso't isip ko. "Pauline", malambing na tawag niya sa'kin. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Pumikit ako at pinagdikit ang mga kamay ko na tila nagdadasal. Hihingi ako ng paumanhin at makikiusap sa kanya. "L-Leandro, s-sorry na. H-hindi ako ang may gawa--", hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nagtilian ulit ang mga tao. Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Leandro na mas lumapit sa akin. "Pauline, liligawan kita sa ayaw o sa gusto mo. Gagawin kong formal ang lahat para ako na mismo ang mag-send ng in-a-relationship request sa'yo. Nothing haunts me like my unexpressed feelings for you. I don't want an instant relationship with you. Liligawan kita sa personal at hindi sa chat, dahil sa personal kita nagustuhan."
BINABASA MO ANG
Instant In-A-Relationship Status
Proză scurtăSa mabilis na takbo at pagbabago ng mundo, kailangan mong makasabay. Lahat na yata instant pa