Tagong damdaming ikinukubli
Ng isang pusong nag-aatubili
Alaala ng kahapong masakit alalahanin
Isang nag-aalangang pusong puno ng alanganin.
Ilang araw lumipas pero lagalag pa rin
Ang isipan kong tila nalaglag na rin
Sa susunod kayang pagkakamali ako kaya'y palarin
Na ang taong pinatutungkulan ay muling panain.