Hinabol kita pero nasan ka?
Nandun na sa piling ng iba
Masaya sa lambingan ninyong dalawa,
Naiwanan ako sa ere - nag-iisa.
Nahati ang puso sa araw na iyon
Lahat ng bagay naging patapon
Parang wala ng saysay ang bukas pati ngayon
Lahat naiwan sa iniwan mong Noon.