Chapter 1

699 4 0
                                    


April 2018 graduation day. Teka teka, ang ganda naman nung naglead ng pray. Bro tingnan mo, sabi ng tropa ko well ako lumingon naman, at sya nga, pero napansin ko na iba na ang mga nakikita ko sa kanya tulad ng nakikita ko noon. Ibang iba na, di naman sumama pero sa tingin ko mas naging matapang at mailap sya, hays I wanna talk to her to say "Hi, remember me?" or "Hi congrats", well nevermind. Wala naman akong pake total, may iba akong iniisip, yung walwalan after ng graduation.

After ng graduation, picture dito picture dun, groufie, selfie, duofie, lahat na, hays pero di kami nagkakapicture pa, last na to wala na ng chance pa kasi aalis na din ako ng lugar namin. And then my aunt said, "Ga picture kayo ni Mama mo sa stage" sabi ko seriously ? Daming tao doon pero nakita ko yung mama ko paakyat na, Teka sandali sabi ko. Ayun konting picture picture, then nakita ko sya with her fam, nagpipicture sila, then nagsalubong yung paningin namin kasi isipin mo one meter lang yung pagitan namin, nakikiramdam ako habang kunwari busy sa picture, then paglingon ko sakto, nag Hi ako sa kanya and sya din naman, unexpected but grab the chance na, ayun nag Hug ako sa kanya, nag sorry at nagcongrats. Then I can't believed na nayakap ko ulit sya ng ganun katagal, nagtitinginan mga tao sa stage at pati parents ko at sa kanya kaso bigla syang hinila ng kapatid nya at hahaha wala na, maraming nagpapapicture sa kanya at hinila nadin ako pauwi. Well naisip ko tuloy what if kung kami pa hanggang ngayon, what if?  What if?

June 2015, whattt, tanginaaa walang masakyan, di ko pa alam papuntang school na yun, opo nag enrol ako pero sa ibang campus yung school namin, so bale may dalawang campus at dun kami sa isa, tangina di ko alam yun. Sabihin ko lang yung pangalan kay manong driver. Fast-forward, ayun normal pakilala sa mga lecheng taga ibang school porket ako walang kasama, ako lang magisa, walang kakilala. Then usual na first day, meet at greet, kwentuhan, tanungan kung taga saan, letche ang liit lang ng lugar natin para naman di nyo alam. Anyways, nagkakagulo noon sa cafeteria, may koreana daw na naligaw, hahaha nacurious ako, well oo nga, koreana nga daw. Sobrang puti plus sa pananamit at kulay ng buhok mukhang imported nga or yayamanin. Well yayamanin nga, nakinig ako sa mga nang stalk sa kanya. Kanya kanya kami yabangan kung kanino magiging syota yung magandang binibini na iyon. Well ako hanggang yabang lang, di naman ako kagwapuhan, slight lang na confidence, ni hindi mo maiisip, wala sa iniisip nyong kaideal ideal man sa libro man o sa TV. Panggulo lang sa mundo ang role ko. Pero lagi kong iniisip sya at syempre, nagpapantasya, nakakita din ng maganda sa mundo kong puno ng mukhang Santan may nakita na akong cherry blossom.

August 2015. Intramurals, well may naghahanap kuno ng mga player lalo na sa mga first year, ako naman sige lang ayoko, atleast basta audience lang. Then nakita ko nagtry out sya, sabi ko teka asan na ba yung naglilista, may maga try out pa dito ate ohh. Hahaha marunong naman ako kaso nung una ayoko kaso nung nalaman kong kasali sya, well chance ko na mapalapit. (Fast-forward)
Training na nun, lumapit ako sa kanya, hirap sya mag serve, haha coach coach kunwari. At yun, sungit naman nya. At di na ako nagchance after nun kasi naman yung captain ball nila nagyaya na umalis. (One time sa tricycle, nagsabay kami) nag kwentuhan kami saglit lang kasi may isang ate na ayaw sumakay hanggat di sya sa loob, sinamaan ko ng tingin si ateng criminology, panira ka naman ng diskarte leche at first time ko nalaman yung bahay nila, ang ganda, walang wala yung sa amin, garage lang nila.

Training days upto the intramurals week, naging close kami, nagtetext pa noon kasi wala pa akong smartphone before, de keypad lang yung pwede ilaban sa tumbang preso. Well we had nights na usual convos, super happy ako yung mga nagpapantasya sa kanya di nila alam katext ko na, I pretend na lowkey lang ako besides di naman ako umaasa more than that, isa lamang akong lowkey na ginoo kumpara sa mga nanliligaw sa kanya na ka level nya. And guess what, hahaha effective ang charms ko, yun lang ang panlaban ko eh. Di naman sa super crush nya ako kaso guys daig ng may sense of humor ang pogi at pormado. Dun ko yata dinaan, sa pagpapatawa sa kanya, sa pag aact na dumb ako, na minsan nag aact na akala mo super pogi ako. Seeing her smile and laugh makes me like her more besides wala yatang guy na hindi gustong makita ang taong special sa kanya na di ngumingiti or sumasaya.

October 2015. May birthmonth, which happens her birthmonth too. Magkaiba lang kami ng petsa, I'm younger than her, sorry na boss. Yup boss ang tawagan namin, at thumbs up ang sign of I love you namin sa isat isa para kahit sa hallway pwede mag I love you. Hahaha sekreto kakatakot tatay at nanay nya, besides di pa sya ready ako naman din kaso kung ibibigay sakin, sorry ma at pa marupok ang panganay nyo. Haha

Well ganun na nga, wala pagsidlan ang tuwa at adventure namin, though nag aaway kami madalas kasi ako medyo playful pa that time, I slowly got attention also siguro because of her, nadidikit ako sa kanya at curious siguro kung anong meron sakin (which is wala naman).
I waited her sa student affairs building, tagal nya naman, kasi member sya ng iba pang club at ako nag aalala na din sa kanya at baka kami maubusan ng masakyan pareho.
Then tong mga kaibigan ko ang mga kasabwat, nakita ko sya sa mga table at patiently naghihintay, with foods, wala akong masabi, di ako sanay na nagcecelebrate ako ng Birthday ko, pero for the first time may nag surprise sakin given na we don't usually talked about material things, mixed emotions especially for guys na tayo dapat ang gumagawa ng ganito pero ang gawin satin to ng mga babae aminin nyo minsan nakakabagsak luha sa tuwa ang pakiramdam. Guess what masarap  yung mga luto nya (Di mo aakalain na marunong magluto), kumain kami then umuwi, nag thank you ako sa pasurprise nya. Mahal ko na nga tong babae na to, sandali kong nakalimutan yung mundonh naghihiwalay sa amin dalawa, sandali kong naabot yung langit dahil sa langit lupa ang pagitan namin. If pwede lang magpropose that time or itanan sya that time ginawa ko na. After a week na puro masaya, tawa, biruan hanggang pikunan, at di ko alam kung paano kami nauwi sa ganitong sitwasyon.

December 2015. Akala ko tuloy tuloy na ang pagiging masaya ko. Okay ang lahat, grades, lovelife, lahat okay na. Ligtas na din ako sa sumpa ng SMP this December. Pero lahat pala may hangganan, it's my pride and ego was the problem, yup I am that typical guy na chill chill lang, enjoying moments lang di masyadong nag iisip ng concrete plan for the future, masyado din akong nag eenjoy sa mga bago kong friends, inom,yosi, skipping classes, bar hopping. Nakalimutan ko na may taong nagtetext sakin, inignore ko yung mga night sms nya at yung mga tawag nya. Mahal sa mahal ko sya pero ayaw ko pang matali that time kasi bago palang ako nakaka experience ng ganun sa buhay, puro enjoyment ang iniisip ko hanggat nag aaway na kami madalas, pinapabayaan ko lang sya, pareho kaming matigas pero mas matigas yung sakin syempre. Hanggang sa nag usap kami sa department store ng isang mall na nagtitinginan na sa amin yung mga tao dun. I managed to calm her down and myself also, nagkabati kami after pero ang sakit na umabot kami sa ganun. I managed not to argue with her, kaso pareho kaming triggered madalas, madami kaming di na napapagkasunduan, yup nandyan ang love pero yung enjoyment parang nawawala na kasi mas marami nang away.

Kaya mas iniisip ko na kung saan hahayaan ko nalang sya makahanap ng mas compatible sa kanya yung kasing level ng mundo nya, madalas kasi yung pinagkaiba ng mundo namin ang pinag aawayan namin, laking kalye ako, sya naman laking subdivision, marami na din ako naririnig that time na di kami bagay or bakit yan yung ano nya, mas gwapo at mayaman pa yung nanligaw dyan eh.

His POVWhere stories live. Discover now