Chapter 3

28 1 0
                                    

3rd year college. Well busy ako sa Capstone. This year wala masyadong ganap samin. Besides busy na ako sa buhay ko at sa thesis naming pamatay. Hahaha literal na buhay estudyante de puta kami. Wala akong ginawa kundi mag puyat, magmotor, mag intindi sa duties ko sa bahay at sa family. Di naman sa nakalimutan ko na, talagang di lang kami nagtatagpo or nagku krus man lang.

Let's say, wala na akong balita, or sya din, wala nang balita sa akin. Hahaha nakakatuwang isipin na totoo pala kapag di na kayo nagkakausap or may iba kana ding pinagkaka abalahan darating at darating na di mo na sya maalala. Well di naman na din kasi ako nakakapunta sa kanila (kabilang campus) at kahit noong intramurals di din naman sya sumali sa ibang activities.

Somehow yung ilang friends ko nang aasar kapag nagagawi ako sa campus nila or nakikita nila. Alam nila may bitter past kami at di maganda ang ending. So yup umikot ang mundo ko sa thesis. Imagine, one whole year akong subsob sa thesis. Di nakakahealthy, nakakatanda at nagiging cause ng pangmatagalang tigang. Haha biro lang. Oy marespeto naman ako. Never been kissed or touched to, kaya lang always harassed, lalo na yang babae na yan. Kawawa ako, madalas wala akong laban kapag pinipilit nya. Haha biro lang ulit, pareho kaming matino at makaluma kumbaga. Yan muna ngayong taon. Walang ganap, panira yung thesis. Anyways pasado pala kami. Nag top kami, and candidate for best thesis for next year. At least dito may katuparan ang pagod at pawis.

His POVWhere stories live. Discover now