Jerome's POV
Di ko alam kung bakit parang galit na galit sakin si Elaine. Excited pa naman akong makita sya kasi lagi syang kinukwento sakin ni Celine. Pasalamat na lang sya at maganda sya, maganda yung mata nya, yung ngiti nya. Parang love at first sight. kaso ang sungit naman.
anyway, ako nga pala si Jerome Delos Santos. Aminado ako na babaero ako. Eh sa nabobored ako pag isa lang girlfriend ko eh.
Hindi naman ako ganito dati. Seryoso ako noon sa unang babaeng minahal ko. Kaso pinagpalit niya lang ako sa iba. Simula non. hindi na ko naging seryoso sa babae. Hindi ko na nga alam kung ilan na ang mga babaeng naging girlfriend ko. Ang maipagmamalaki ko lang, WALA AKONG GINALAW SA KAHIT NA SINO SA KANILA. Gentelman parin naman ako. Kaya alam na girls ah, may dahilan kung bakit nagiging babaero kaming mga lalaki.
Matapos kong umuwi, iniisip ko parin si Elaine. Ang ganda nya talaga.
*beep*
pag tingin ko. si Celine pala yung nagtext
From:Celine
pasensya na sa kaibigan ko ah. Bad mood lang siguro yun.
bad mood ? parang hindi naman.
To:Celine
Okay lang. Bakit ba parang galit na galit sakin yun?
From:Celine
Ah.. wala . ewan ko ba dun. hahaha. yaan mo na sya.
To:Celine
sayang . ang ganda pa naman nya. ang sungit naman.
From:Celine
Mabait yun . Hindi siya masungit. ganun lang siguro yun pag hnd pa nya kakilala.
Mabait daw siya. hmm. sana nga pag naging close kami hindi na niya ako sungitan. ah alam ko na!....
To:Celine
pwede ko ba makuha number nya ?
From:Celine
sige eto. 09*********
To:Celine
salamat ah. sige maya nalang ulit. may gagawin lng ako.
From:Celine
okay sige good night. :)
To:Celine
good night.
Yes ! may number nya na ako. subukan ko nga syang itext. hehe. manliligaw na rin ako. baka easy to get lang din sya katulad ng iba. kaso hindi ko alam kung anong sasabihin. :3
Inabot na ko ng 1am kakaisip sa kung paano ko sya liligawan agad. Siguro tulog na yun. bukas na nga lang.
------*
woooh ! after 1234567890years. nag update din ako.
hindi ko na sana sya itutuloy kaso nanghihinayang ako.
sorry kung boring yung story ko.
first time ko lang talaga magsulat ng story.
next update.
try ko maya maya.
basta iaupdate ko na toh. :))
FOLLOW ME !
twitter @Akosielyssa