Elaine's POV
dahil sa panaginip ko na yun. Naisip ko na naman yung nangyare noon. haaaaay. Okay na nga ako eh. Bakit pa kailangan mapanaginipan ko pa yun. -_____-
Bumangon na ako. 5:30am palang. 7am pupunta ako ng school para pumasok. Nagayos na ako ng mga gamit ko para hindi hassel. Pag baba ko . Nakita ko ang parents ko sa dining table. Ang aga nila noh? May mga negosyo kasi sila na kailangan asikasuhin.
"O, Elaine anak. Saluhan mo na kami dito." Masayang bati sakin ng aking mama.
Si mama ang nagmamayari ng isa sa pinakamalaking mall sa Metro Manila. Busy lagi ang mama ko pero hindi siya nawawalan ng oras sa akin. I really love my mom.
"Anak, how's your school?" sabi ni papa.
"Okay naman po. malapit na rin ang prelim exam. Kaya nagaaral po ako ng doble"
"Gusto mo ba ihatid ka na namin ng mama mo?"
"Sige po pa. Kayo po bahala. :)"
Si papa naman ang may ari ng isang hotel sa Manila. Katulad ni mama, busy din siya. pero hindi din siya nawawalan ng panahon sakin.
Tinuruan nila akong magpakumbaba. Maging mabait. Lagi din nilang sinasabi saakin na panatilihin kong nakaapak ang mga paa ko sa lupa. At wag na wag akong manlalamang ng kapwa.
Never akong naging rebelde sa kanila. I am so blessed to have parents like them.
Matapos naming kumain. Hinatid na nila ako sa school. Buti na lang maaga ako. 6:30am palang. Wala pang masyadong tao sa room.
7am nag start na ang klase namin. syempre aral mode muna ako. 1pm natapos ang lahat ng class ko. Ang saya diba.
Nandito ako ngayon sa isang fast food chain. Nag crave kasi ako sa FRIES !! my alltime favorite. Andami kong binili. Fries,Chicken Sandwich, Float and Sundae. Partida ako lang ang kakain. Ang sarap sarap talaga.
*beep*
From:Unknown number
Hai :)
Sino naman toh.
To:Unknown number
Hu u?
From:Unknown Number
Si jerome po miss sunget. :)