Elaine's POV
"... sorry. alam kong nasaktan kita. hindi kita gustong saktan. mahal din naman kita. mahal ko kayo parehas. kung hindi ko siya niligawan hindi kita iiwan. Sorry talaga. Pero, Mas mahal ko siya... "
naramdaman ko na lang tumulo ang mga luha sa mata ko. Pagdilat ko, nananaginip na naman pala ako. Hindi ko na mapigilang maiyak na naman. Ang sakit, Ang sakit sakit parin.
Minahal ko siya. sobrang mahal na mahal ko siya. Akala ko okay lahat. Hindi pala...
Niloko niya ko. Ang sabi niya mahal nya ko. Sh*t ! Sinungaling.
Ilang buwan ng nakakalipas pero hindi parin ako maka move on.
Masaya naman ako noon. I was just a simple girl na walang ibang gustong gawin kundi magaral. And then he came into my life...
The guy with a very charming face and cute smile.. He first became my friend. We became closer and closer na halos lagi na kaming naguusap, magkasama at magkatext.
Isang araw.. pumunta sya sa bahay. As usual kwentuhan. Akala ko isa lang ito sa mga araw na wala namang masyadong espesyal na nangyayare. I was wrong..
"Elaine.." bigla nyang sambit.
"Hm?" ang sabi ko sa kanya. naglalaro kasi ako ng candy crush sa tablet ko. Pero humarap ako sa kanya. Ang pogi nya talaga.
Kinurot nya yung ilong ko. Unti unti nyang nilapit ang mukha ko sa kanya.. hanggang sa.. (O.O) He kissed me !!! and hindi lang basta smack. it was a long kiss. At first nabigla ako. but still, I respond to that kiss. Aminin ko man o hindi, alam kong nagustuhan ko yun. Gusto ko kasi talaga sya. Feeling ko.. Mahal ko na nga sya.
After that kiss. medyo naging awkward. He said sorry . Pero sabi ko okay lang. Alam ko naman na para na akong kamatis sa sobrang pula na ng mukha ko.
Nung umuwi na siya. para akong tanga na nagtititili sa kilig. I can't believe that he kissed me. Kinikilig talaga ako. :">
Simula nun. nagsimula na syang maging sweet sakin. Sometimes he holds my hand. inaakbayan nya ko. nagsasabi pa sya sakin na mahal nya ko . Omaygad. kinikilig talaga ako. HINDI KAMI. M.U. lang kami.. sana nga maging kami na. gusto ko din . pero hindi ko alam kung gusto niya.