Pag-ibig Sa Ikalawang Pagkakataon

6 1 0
                                    

Pag-ibig Sa Ikalawang Pagkakataon
PsychoPrix37

"Aldrich,hintay!"

"Dalian mo,Celina. Nandiyan na sila. Maaabutan nila tayo"

"Al,paumanhin ngunit hindi ko na kaya", sagot ng dalaga at umupo sa putikan. Umuulan ng malakas noong gabing iyon at kinailangan nilang tumakas kung ayaw nilang mawalan ng hininga. "Tumakas kana,tutal ako ang kailangan nila...tumakas ka na",tulak ng dalaga sa binata.

"Ayoko,tatakas tayo. Makakatakas tayo,sige na Celina",saad nito. Yumuko ang babae.

"Pero...madadamay ka lang",saad niya.

"Damay naman talaga ako,noong una palang kitang nakita...alam kong kasali na ako sa mga mangyayari sa buhay mo kaya...",pinatayo niya ang dalaga at sinabing... "Let's go Celina... let's end this life and make a better tommorow",sabay lakad.

Tila ayaw gumalaw ng dalaga at nakatingin lamang ito sa kanyang papalayong likod.

Tumingin pabalik ang binata sabay lahad ng kamay.

"Celina...my Celina. Hold my hand, I won't let go",saad nito.

At doon nagsimula ang lahat...

"Lex!",tawag ng babaeng si Celine sa kaibigan niyang si Alex habang hawak nito and kanyang diary.

"Celina naman eh...patingin nalang",sabi nito. Tila natigilan ang dalaga at sumilay ang kaunting pagkainis sa mukha nito. Ngunit kahit hindi niya alam ang dahilan,ay sinunod niya aang sinasabi ng utak niya.

Sumeryoso siya at tumigil sa paghabol sa binatang kumuha ng diary niya.

"Huwag na huwag mo akong matatawag na Celina. Dahil si A---",sinubukan niyang alalahanin ang pangalan ng lalaking naalala niya.

"Sino?",tanong ni Alex at lumapit sa dalaga. Doon na niya nahablot pabalik ang diary niya at inilagay ito sa kanyang bag.

"Sa susunod na maririnig kitang tinatawag ako sa pangalan na iyan,makakatikim ka na sa akin",saad ng dalaga sabay sukbit ng bag niya at umalis na.

Bagamat hindi niya naaalala,ay alam niyang bahagi ng pinagtagpi-tagping alaala ng kung sino man ang kanyang mga naaalala.

Mula pagkabata pa man,ay kadalasang may mga naaalala si Celine na hindi nangyari sa kanyang buhay. Tila ang mga ito ay pangyayari sa buhay ng ibang tao na nakikita,o naaalala niya.

At isa pa,palaging may lalaking nagpapakita sa kanya,na alam niyang bahagi ng memorya ng iba.

Dumiretso si Celine sa kanilang silid aralan sapagkat anim na minuto na lamang ang natitira upang magsimula ang klase nila sa Filipino.

Ngunit dumaan ang sampung minuto ng hindi pumasok sa silid nila ang kanilang guro,at napag-alaman na nagkakaroon ng meeting ang mga guro sa opisina ng punong guro.

Dahil sa walang magawa,pumunta si Celine sa silid aklatan na dati paman ay tinatambayan na siya sa t'wing walang klase. Hindi siya natutulog dito...iba man ang isipin ng iba ngunit mas gusto pa niyang magbasa kesa maglaro ng gadgets at magsulat ng tula (sa Ingles man o sa Tagalog) na may paksang tungkol sa pag-ibig at pagkasawi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 27, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pag-ibig Sa Ikalawang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon