"CLASSROOM"
Walang teacher'
Simpleng pinagmamasdan ni Girl ang Crush niya,
Isang upuan lang ang agwat nila, Walang nakaupo dito kaya malaya niyang napagmamasdan si crush. Sakto pang dikit dikit ang mga upuan nila para lang tuloy niyang katabe ito..
Nakapikit si boy habang naka Earphone ito.
Girl: Haist ang gwapo mo talaga.. ( pagsasalita ni girl sakto lang para marinig ni boy kung sakale)
Boy: (Nakapikit pa din)
Girl: Kaso ang suplado mo! Nakakainis ka!
Boy: (Nakapikit pa din)
Girl: Tapos bihira kana nga lang mag salita ang yabang mo pa! Alam mo bang nakakainis pag ganon ka? Tss..
Boy: ….
Girl: Tapos sa Group Chat ng section natin kame ang ingay ' ikaw puro seen! Kung hinde kapa sasabihan ng iba nating classmate hinde ka makikisali! Ang masaklap pa puro LIKES at yes or no ang isasagot mo! Kj ka din no?
Boy: …
Girl: Tapos one time chinat kita! Pina-chat ka sakin ni pres, Tapos ang reply mo lang "k" Sa haba-haba ng chat ko yun lang reply mo? Pero sige ok na din yun kesa "seen" diba?
Boy: ….
Girl: Snobber ka sa iba! Pero pag dating doon sa babae sa kabilang section nginingitian mo kapag nagkakasalubong kayo! Tapos minsan tinutulungan mo pa siya sa project nila!
Boy: …
Girl: Sino ba kase yon? Nililigawan mo ba siya? Or kayo na? Minsan kase ang sweet niyo e..
Boy:…
Girl: Mukha akong tanga nagsasalita mag-isa' pero sige lulubuslubusin ko na hinde mo naman ako naririnig eh kaya aamin na ako.. (Nangalumbaba si girl habang nakatingin kay crush)
Boy:....
Girl: kahit na naiinis ako sa kasupladuhan mo! Sa pagiging snobber mo! Sa kaya bangan mo! Hinde ko pa rin maiwasan na di magka crush sayo' ay! Crush nga lang ba? O love na? Ewan ko kahit di tayo nag uusap makita lang kita ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko! Alam mo bang nag seselos ako doon sa babae na lagi mo nginingitian at kinakausap? Sino ba kase siya? Hays pero sa totoo lang 2 years mahigit na kitang crush' Ano bang ginawa mo sakin? ay! Tama na nga to! Nababaliw na ako.
Boy:......
Girl: Sana sa susunod na ichat kita replyan mo na ako ng maayos ha? Tsaka iwas iwasan mo na pagiging suplado mo! Tsaka pwede bang layuan mo na yung girl? Ay. Makautos naman ako feeling girlfriend.
Boy: (napangiti ng simple si boy)
Tumahimik si girl at pinag masdan lang ang mukha ni crush..
Girl: grabe ang tangos ng ilong mo! Tapos ang haba ng pilik-mata! Tinalo mo pa yung akin ha!? Tsaka grabee kinis ng face! Ano gamit mo? Taray parang ganto yung mga nababasa ko sa wattpad e. Yung pinag-mamasdan nung bida yung crush niya ta---"
Boy: Tsk.Tsk your so talkative.
(Biglang dilat nito at humarap sa kanya)Nagulat si girl at mabilis na umayos ng upo'humarap sa bintana..
Girl:….
Boy: hey!
Naramdaman ni girl na may tumabe sa kanya
Kinalabit siya ni boy..Girl: (Hinde pa rin lumingon si girl dahil kinakabahan siya. nagulat siya sa pag sasalita nito kanina Lalo na ngayon na magkatabe na sila)
Boy: Tss.. Pwede bang humarap ka sakin?
Girl: …
Boy: Fine. Magrereply na ako sa mga chat mo, Makikisali na rin ako sa GC natin. At Hinde mo kailangan mag selos sa babaeng nasa kabilang section..
(Parang binuhusan ng malamig na tubig si girl, dahan dahan naman siya lumingon dito)
Girl: W-what? S-selos? Ako? Ano ba sinasabe mo jan?
Napangite naman si boy, Dahan dahan niya pinakita ang Earphone niyang nakalagay lang sa bulsa niya ang dulo, walang nakakabit dito.
Boy: Narinig ko lahat..Hinde nakakabit ang earphone sa phone ko nasa bag ko yon..So ( Lumapit ang mukha niya kay girl na gulantang pa din)
Crush mo pala ako? Hmm aamin ka na nga lang ang dami mo pa sinasabe, Tsaka sabe mo din na baka hinde na crush diba? Love na? Ikaw ha may pag tingin ka pala sakin?Girl: o-oy! W-wala ah! Yabang mo! ( Bahagyang tinulak ni girl si crush )
Boy: Ang ganda mo pag nag-blu-blush ka..
Girl: tse! Yabang mo talaga!
Boy: Crush mo naman.
Girl: …
Boy: kung nag seselos ka, iiwasan ko siya para sayo.
Girl:…
Boy: Tsaka kaya lang naman ako nagsusuplado dahil sayo, Alam mona nagpapansin. Hayaan mo babaguhin kona.
Girl: (Nakatulala lang kay crush)
Boy: Tsaka dont worry mas gusto kita kesa doon sa babaeng pinag-seselosan mo..
Girl:…
Boy: Patas lang tayo dahil Crush din kita, oh wait mali! Mahal din kita mula noong second year tayo . At masaya ako na ganoon din ang nararamdaman mo.
So can i court you? ..
END..
© Seera Mei
Oha! HAHAHA Parang ewan lang! Bored si ate mo Red 😂Pag tyagaan niyo nalang hihihi sorry na agad! :*
BINABASA MO ANG
One Shot (Compilations)
FanfictionThis is my one shot compilation. Highest rank #oneshotstory #5