Christmas Love

1.4K 8 1
                                    

"Christmas is a day of meaning and traditions. A special day spent in the warm circle of Family and Friends.."

Charlotte pov

11:25 na at kakauwi ko lang sa Apartment, Katatapos lang ng shift ko. Hindi ko akalain na aabutin kami ng ganitong oras.

Akala ko makaka-uwi pa ako sa Bulacan para maka-sama ang Family ko ngayon Noche Buena. Kaso hindi kinaya ng oras ko. Eto ang unang pasko na mag-isa lang akong magcecelebrate. Unang pasko na hindi ko makakasama ang pamilya ko.

Agad akong nagtungo sa aking kwarto at nahiga sa kama. Napabuntong hininga nalang ako.

Lahat sila nagkakasiyahan, Kalahating oras nalang pasko na. I smiled Bitterly. Na-iinggit ako sa kanila.

Tatawagan ko nalang mamaya sila mama. Sa ngayon I-idlip muna ako pagod na pagod ako dahil ang dami kong tinapos na trabaho kanina. Pero bago yun sinilip ko muna ang phone ko kung may text ang boyfriend ko, Napangiti naman ako dahil may two message siya. Mukang kanina pa tong text niya.

Hon

Hi Hon, Kasama kona si mom and dad. On the way na kami sa Subic. I miss you. Wag kana sad ah? Bukas na bukas tayo naman ang mag-kasama at uuwi tayo sa bulacan. :) Iloveyou.

Hon

Hon naka-uwi kana ba? Wag na mag-isip ng kung ano, At wag nang malungkot ok? Everything will be alright. Makakasama mo pa rin sila tita bukas. :) Text me pag nasa apartment kana. iloveyou hon.

PS: may foods akong nilagay sa Ref mo. I know hindi kana makakapag-luto, Kumain ka ng marami ok? Initin mo nalang. mhua!

Kaya pala nang hingi ng isang susi, nagdala pala siya ng food dito sa apartment ko. Napa-iling nalang ako.

I type my reply to him.

Hon

Hello hon, Kararating kolang dito sa apartment, sorry kung late yung reply ko, So kamusta? Nasa Subic na ba kayo? Pasabi kela tita at tito Merry Christmas. :) Iloveyou and imissyou.

Nang ma-send kona ang text ko kay ethan. Napag-pasyahan kona lang tumayo. Hindi nalang ako I-idlip. Iinitin ko nalang ang dinalang pag kain ni ethan.

Nagpalit muna ako ng damit bago nag tungo sa kusina.

Pag-Bukas ko ng Ref. Halos malula ako sa daming pag-kain na narito.

Ang dami naman niyang binili! ako lang naman ang kakain.

Chineck ko isa-isa kung ano anong pag-kain ang binili niya.

Carbonara, Fried Chicken, Menudo, Palabok, Pizza, Graham at Buko Salad!

Mauubos koba ang ganto karaming pag-kain?

Kinuha ko nalang ang carbonara, Graham at Buko Salad ito nalang ang kakainin ko.

Napansin ko din ang dami niyang biniling stock ko. Mukhang nag-grocery din siya. Hays. Nakita niya sigurong wala ng laman ang Ref ko, Kaya siya na ang namili. Wala na din kase akong oras pa, Imbes na mag grocery, Pinapahinga kona lang.

One Shot (Compilations)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon