Demon In Dawn

333 4 0
                                    

Hello, beshie's! Hindi ko alam bakit ganito ang naisulat ko ngayon? hindi naman to kahabaan, bigla kolang talaga naisulat.

Ang story na to may hango sa totoong buhay, Nang-yayare talaga, Yung iba naman ay imahinasyon kolang ok? pag-pasensyahan kung magulo. Hehehe



Naniniwala ba kayo sa mga kwento tungkol sa aswang?

Sa Engkanto?

Sa Dwende?

at Lalo na sa demonyo?

Ako kase hindi ako naniniwala sa mga demonyo, engkanto, dwende etc.

DATI,

lalo na 'yung sinasabi ng lola ko na demonyo. akala ko sa kwento kwento lang 'yon. pero mali pala ako...




Ako si Marie Santiago ang kwentong ito ay tungkol sa mga karanasan ko sa ibat ibang uri ng elemento, Lalo na sa karanasan ko at ng tita ko sa isang demonyo.

Dati pag-nag-kwekwento ang lola ko tungkol sa mga naranasan niya noong kadalagahan niya sa probinsya nila sa bicol, Hindi pa ako naniniwala' akala ko lahat ng nakakatakot niyang kwento ay gawa gawa lang niya para matakot ako.

yung tipong kinukwento niya na pag sapit ng gabi noon sa bayan nila, May nakaka-salubong daw silang kabaong na lumulutang. kung hindi naman malaking baboy ramo o di kaya ay malaking aso.

pero hindi daw siya natatakot kase may konting kaalaman daw siya sa mga orasyon, mga salitang latin. Tinuruan daw siya ng nanay niya, at ibinilin sa kanya na h'wag na h'wag matatakot, Dahil ramdam daw ng mga elemento, aswang kung natatakot ka.

Lahat ng kwento niya sakin ay hindi ko pinaniwalaan NOON, lahat ng kinukwento sakin ng lola ko  nakakatakot talaga, pero hindi ako naniwala. HANGGANG lahat ng sinasabi niya tungkol sa mga aswang dwende, anino, nakita at narasan ko mismong sa bahay namin.

Doon ko napatunayan na hindi pala gawa gawa ang mga kwentong sinasabi niya sakin.

Unang karanasan ko noon, naka-kita ako ng dwende sa silong namin. Puting dwende ito. naka-upo sa lamesang pinag-lalagyan ng mga gamit ng lolo ko. Napatigil at hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nakangiti ito sakin at kumaway. Habang masayang kinukuyakoy ang kanya mga paa. Napasigaw ako at tinawag si nanay,  Nagmadali itong bumaba para tignan ako.

"Anong nangyare marie? bakit ka sumisigaw?" nang makita ko agad si nanay, napatakbo ako sa kanya at yumakap.

"Nayy! nayy! may maliit na nakaupo sa lamesa ni tatay! May d-dwende!" natataranta kong sabi noon. Hindi makapaniwala na meron pala talagang dwende.

"Anong kulay ang nakita mo?" Naramdaman ko ang kaseryosohan sa boses ni nanay.

"Puti nay, Nakaupo siya doon. Nakangiti sakin at kumaway pa!" Bumuntong hininga ito at nilayo ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Eto ang tatandaan mo marie, pag-naka-kita ka ng Dwendeng puti, Walang problema doon, sila ang mga nilalang na mababait, Nakikipag-kaibigan lang sayo ang dwende na'yon. Pero kung itim na dwende, pag oras na makakita ka non, lumayo ka agad, pumunta ka agad sakin pag-nagkataon. naiintindihan mo?"

"Opo nay,"

"oh siya tara sa taas, tulungan mo ako sa niluluto ko."

Ayon ang unang ikwentro ko sa dwende, Hindi ko akalain na totoo sila, ang laki nila ay isang dangkal lang. Sabi ni nanay ang puting dwende daw ay mababait, hindi nanakit at palakaibigan, pero ang dwendeng itim naman daw ay kabaliktaran nito. Sila daw yung mga mabilis uminit ang ulo at nanakit.

One Shot (Compilations)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon