xii

126 9 4
                                    

B A E K H Y U N


NAKADUNGAW lang ako sa labas ng bintana dito sa kwarto namin. Natatakot na akong lumabas. Akala ko lahat ng banta ni Taehyung saakin ay hindi totoo, hindi ko naman inaaakala na kaya gawin ni Daehyun yun eh.





"B-Baekhyun?" Dumungaw ako sa Pintuan at nakita ko si Chanyeol doon at bakas sa pagmumuka niya ang pagalala.




"Baek, wala na sila Tito..." Tumayo na ako sa kama tsaka bumaba. Ayokong nakikita sila Mama at Papa ngayon kasi hindi ko maiiwasan na umiyak sa harapan nila.






"Baekhyun, Mahigit isang linggo ka na hindi lumalabas dito..."



"N-natatakot ako Y-Yeol..." Hindi ko nanaman napigilan mapaluha at umiyak sa harap ni Chanyeol. Lagi na lang ako sa harap niya umiiyak. Pero tuwing yayakapin niya ako at sasabihan ng "Okay lang yan, naandito ako." Pakiramdam ko ligtas ako kasabay pa ng pagbilis ng tibok ng puso ko.





"Naandito ako sa tabi mo Baekhyun. Hindi ko hahayaan na galawin ka ni Daehyun ulit."




"Ano meron sa suraulong yun?" Napatayo kami nung nakita ko si Kai kasama si Kyunsoo.



"Jong..."




"Sabihin mo. Ikaw Chanyeol?! Ano nalalaman mo?"





"JongIn—"




"Muntik na magahasa si Baek." Napatingin ako kay Chanyeol pati kay Jong In. Nanligid yung mga Luha sa gilid ng mata ko na iniiwasan tumulo iyon.





"KAILAN?"




"Noong nakaraan linggo." Hinarang ko agad yung katawan ko kay Chanyeol ng susugurin ni Jong In si Chanyeol, hinawakan rin siya ni Kyungsoo para pigilan at doon na ako binigo ng mga luha ko at tumulo na siya.





"BAKIT NGAYON MO LANG SINABI WALANG—"



"AKO NA NAGUTOS NA WAG SABIHIN SAINYO DAHIL MAS HINDI KO KAKAYANIN! AT MAGPASALAMAT KA KAY CHANYEOL DAHIL KUNG WALA SIYA DOON, MALAMANG HINDI NA AKO BIRHEN!!" Sinigaw ko kay Jongin habang patuloy akong umiiyak. Lumapit saakin si Kyungsoo at niyakap ako.



"Sorry Baekhyun at matagal akong nawala, hindi kita napagtanggol." Niyakap ko rin si Kyungsoo at umiyak sakanya. Matagal na kami magkaibigan ni Kyungsoo. Siya ang nagtatangil saakin laban kanila Taehyung nung wala pang Chanyeol na dunadating sa buhay ko.





"Kyung? Anong ibig mong sabihin? Wala naman kaaway si Baekhyun ah?" Nagtatalang tanong ni Jongin. Nagkatinginan kami ni Kyungsoo dahil hindi namin sinasabi ang totoong nangyayari sa buhay ko.





"Sino nagtanggol sayo habang wala ako?"




"Dalawang linggo nung nawala ka, Walang nagsilbing proteksyon pero matapos yun, s-si Chanyeol na..." Nakita kong tinignan ni Kyung si Chanyeol at ng tignan ko si JongIn, puno ng pagtataka yung mukha niya.




"Ikaw Chanyeol, alam mo ba ibigsabihin ni Kyungsoo?"



"Jong—"


"Wag mo sasabihin Chanyeol." Utos ni Kyungsoo sakanya. "Kai, intindihin mo side ni Baekhyun! Hindi lahat ay dapat mo malaman."



"Kapatid ko siya Kyung!"




"Kahit na! May th—"




"Galit  saakin yung kapatid ni Daehyun. 10 years n-na akong nilalait lait nila dahil nung nagkagusto saakin yung crush ni Taehyung, doon nagsimula ang galit niya." Pinisil ni Kyungsoo yung kamay ko. Kailangan ko na sabihin iyon para hindi nagaaway sila Kyung at Kai dahil isa akong mahinang tao!




Umalis na lang ako sa bahay at nagpunta kung saan saan. Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta pero gusto ko lang umiyak ng umiyak! Napagod na ako at napaupo ng lang sa buhangin habang umiiyak.




Bakit ba kasi napakahina kong tao? Nakakainis!! "Baek.." Tinignan ko si Chanyeol na bigla biglang napunta sa tabi ko.



"Bakit ka umalis ng hindi ako kasama? Ayokong mapahamak ka ulit dahil minsan ka na napahamak dahil saakin!"



"Chanyeol, sinabi ko naman sayo na—"




"Ang sabi ko pro-protektahan kita kahit anong mangyari. Ngayon, ipapangako ko sayo na hindi na ulit gagalawin nung Daehyun na iyon. Promise yan. Just promise me na dito ka lang sa tabi ko." Hindi ko naiintindihna yung sinabi niya bago mag huli pero ang alam ko maganda yun.


Heto nanaman yung pagbilis ng tibok ng puso ko. Aaminin ko na na may gusto na ako kay Chanyeol sa maikling panahon na magkasama kami.


"P-pramis?"


"Promise, pangako. Kaya ipangako mo saakin na hindi ka aalis sa tabi ko. Promise?"



"P-Promise."




"Good." Tumigil ata yung pagikot ng mundo ko ng halikan ako ni Chanyeol aa noo. Simpleng halik lang ang mga iyon pero ang lakas ng dating para saakin, at nasabi saakin nila Yesung na pag hinalikan ka sa noo ng isang tao, ibigsabihin na mahalaga ka sakanya.


"At isa pa pala. Ayokong nakikita kang umiiyak."



"Bakit naman?"







"Nasasaktan ako."

Lost in an Island [ChanBaek ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon