xxvii

105 9 5
                                    

B A E K H Y U N



"Baek, gumising ka na, naandito na tayo." Nagising ako dahil inaalog na ako ni Luhan dito.



Minulat ko yung mga mata ko tapos nakita ko... Parang nasa mataas na kung ano kami. Bumaba na ako dito sa eroplano at nagulat sa mga nakikita ko, medyo madilin na at ang ganda dito sa kinakatayuan ko, kita ko itong mga buildings na sinasabi saakin ni Yesung sa isla. May mga ilaw sila, ang ganda sa paningin.





Ang ganda dito sa city.





"Lu, nasa city na tayo diba?"


"Oo, welcome to Seoul. Eto yung sinasabi saatin ni Chanyeol kung saan siya nakatira." Sinabi saakin ni Luhan kaya napangiti ako. Sa wakas makikita ko na si Chanyeol. Tinignan ko yung kabuuan ng city. Ang ganda talaga nila pag gabi. Pero nagtataka ako bakit nasa mataas na lugar kami? Dito ba kami titira?





"Luhan!" May tumawag kay Luhan pero ako ang lumingon, hindi ko inaasahan na si Sehun ang nakita ko at ang ganda ng suot niya. Mayaman nga talaga sila.




"Se!" Tumakbo rin si Luhan papunta sa...




Teka? Nagyayakapan sila? Sila na ba? Nakakaloka ha. "Hoy Luhan! Kayo na ba ni Sehun?"



"Soon." Sagot saakin ni Sehun pero hindi ko naintindihan, hindi ko rin alam ibigsabihin ng salitang yun eh.




"Tara na Baekhyun, doon tayo kanila Sehun tutuloy." Inaya na ako ni Luhan kaya bumaba na kami sa taas. Medyo natakot pa nga ako kasi sobrang taas at hindi ako sanay.





Nung nakababa na kami ng hagdan biglang may bumukas na kahon na hindi ko alam. Ang astig ha...




"Sehun, makakahinga ba tayo sa loob niyan?" Natawa si Sehun sa tanong ko, pati rin Si Luhan, anong nakakatawa?




"Oo naman. Para hindi tayo mapagod sa pagbaba ng hagdanan, diyan tayo papasok. Elevator tawag diyan." Tumango ako sa sinabi ni Sehun at pumasok sa tinatawag na elebetor.




May kung ano ano munang pinipindot si Sehun tapos nagulat ako ng biglang bumababa. Tapos bigla siyang tumigil at husang bumukas yung pintuan, nasa ibang bahagi na kami ng building. "Hala, ang galing naman." Napangiti ako dahil ang ganda nitong parte ng gusali, nagyon lang ako nakakita ng ganito kagandang lugar, mas maganda pa kaysa sa bahay ng kapitan saamin.




"Dito ka nakatira Sehun? Ang dami naman kwarto."


"Hindi Hyung, apartment tawag dito ibigsabihin sa isang building meron maraming pintuan tapos pag pasok mo doon para lang rin bahay." Tumango na lang ako kasi ang ganda talaga!! Napakaganda.




Tumigil kami sa isang pintuan na may number na 520. Para saan naman yung 520? Nakakabasa ako ng numbers dahil rin kay Yesung baka nagtataka kayo tsaka nasanay ako dahil nga nagtitinda kami.





"Yan number na yan, ayan yung lot ko at paltandaan ko para hindi ako malito kung saan ako nakatira, gets?"


"Yes po Sehun." Natawa pa siya bago niya binuksan yung pintuan ng bahay niya. Ang ganda nung loob! Sobrang ganda, mapapanganga ka na lang sa sobrang Ganda. Maliit pero ang ganda talaga!!!




"Baekhyun hyung, doon ka matutulog sa kwarto na yun."



"San matutulog si Luhan?"



Lost in an Island [ChanBaek ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon