xxiii

143 12 5
                                    

B A E K H Y U N


KIM Taeyeon... Ewan ko pero feeling ko kilala ko yun? Hindi ko na sinabi kay Chanyeol na feeling ko kilala ko yan si Tayeon. Baka kasi kung ano sabihin niya. Baka masabi niya ambisyosa ako kasi ang yaman yaman niyang Taeyeon na yan.



"Grabe Baek. Hindi ko alam na ganito na lawak ang imagination mo! Don't worry, pagbalik ko sa city, I'll give this sketchpad sa team namin and make sure na magawa itong mga ito under your name. Not mine but yours!" Ha? Ano sinabi niya? Hindi ko masyadong naintindihan eh.



"Ah, ibibigay mo yung design ko kung kanino?"

"No! Ibibigay ko ito sa mga gumagawa para magawa nila itong mga naiisip mo, taga gawa lang sila pero ang gumawa ay ikaw, kaya lalabas pa rin nanikaw ang nagisip ng lahat ng ito okay? Wag ka kabahan Babe." Ahh! Akala ko ipaminigay niya. Napangiti ako at niyakap ko siya. Nagpapasalamat talaga ako na binigyan ako ng isang Park Chanyeol sa buhay ko.




"Yeol, lulubog na yung araw, pwede ba bumalik na tayo sa bahay? Baka hinahanap na ako nila Papa eh." Inaya ko na siya umuwi, inayos na niya lahat ng gamit tapos naglakad kami dito sa tabi ng dagat, hawak kamay habang palubog yung araw.



"Kung may Celphone lang ako, kanina pa kita na kuhaan ng picture, Golden hour na." Kahit hindi ko siya naintindihan, Tumango na lang ako at nginitian siya. In-enjoy ko lang itong pagkakataon na ito. Ang ganda kasi at eto yung kadalasan na kine-kwento saakin ni Yesung na magkahawak yung kamay tapos naglalakad sa tabi ng dagat. Pakiramdam ko tuloy nakatadhana kami ni Chanyeol para sa isa't isa.






"Uy! Halika na kayong dalawa at kunain na." Sandali, nasa bahay na kami? Ba't parang ang bilis naman namin makarating dito sa bahay?



Dahil nga naandito na kami. Umupo na kami at kumain. Ang tahimik ng pagkain, si Kai parang tanga na nakangiti, Si Luhan naka pout. Anong meron ngayon? Pagnakain kami maingay ah.




"Payag na ako."


"Ha?"



"Hatdog. Sabi ko pumapayag na kami ng mama mo sainyo ni Chanyeol. Pero eto batang Park sinasabi ko sayo, maluha lang si Baekhyun dahil sinaktan mo siya, magkakapatayan tayo. Maliwanag ba?"




"Opo tito!!" Natuwa na pero natalot rin ako. Ang talas talaga magsalita ni Papa, eto naman si Mama natatawa. Anong nakakatawa? Yung mulha ba ni Yeol? Pero basta! Masaya ako kasi legal na kaming dalawa ni Yeol. LEGAL NA!!!!















"Chanyeol ano ba! Nakikiliti ako!!" Hindi ko alam bakit babako pumayag na tabi kami matulog. Ang likot likot niya tapos panay hawak pa siya sa bewang ko. Sinabi ko na nga na nakikiliti ako pero ayaw niya makinig!! Nakakairita.




"Hindi naman Baek eh! Wag ka nga maingay at baka magising si Kai at Luhan!" Patuloy kong inaalis yung kamay niya sa nakakakiliting parte ng katawan ko pero tuwang tuwa siya kasi nakikiliti ako!! Nakakaurat.





"Yeol! Tama na hahahaha! Bulas na lang please?"


"Hahahaha! Ang cute mo kaya!"




"Hoy kayong dalawa! Porket legal na kayo maghaharutan na kayo dito?! Dun kayo sa kubo niyo at patulugin niyo ako!!" Nagulat nalang kami ni Yeol ng biglang sumigaw si Luhan dito . Nakatinginan muna kami ni Yeol at tinawanan si Luhan dahil ang cute niya.



Ganito pala pakiramdam ng Legal na no? Pakiramdam ko napaka laya ko tapos ang sarap nang ipagsigawan na mahal na mahal ko si Chanyeol.
















Lost in an Island [ChanBaek ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon