It's been a week since I became Raven Whiles's secretary and without a doubt Im getting bored in this job.
Do some paperworks, scheduling, attend meetings, and other things that make things really boring.
Sanay akong nasa field lagi dahil doon ako inaassign ni Madam M kasi more or less the twins ang mas bagay ilagay sa mga opisina dahil yun ang forte nila. I wonder saan na kaya silang tatlo. After Madam M inform me the mission ay umalis na agad ako doon. But anyway I know magkikita pa rin kaming tatlo sooner.... pareho lang kasi kami ng mission.
"Ms. Siegfred kindly get the files from Marketing I really need that one" narinig kong utos ni Raven Whiles mula sa intercom. Di na ako sumagot instead tumayo ako at tumungo sa Marketing Department para kunin ang folder.
Sa isang linggong pagiging secretary ni Raven Whiles isa lang ang napagtanto ko and that is we have common attitude at yun ay walang oras na inaaksaya bawat segundo ay katumbas ng isang buhay.
President's Office was located on the highest part of the building while in every floor ay ibat' ibang department ang nakaassigned. Ito kasi ang main building ng Whiles Group of Companies and luckyly sa Pilipinas nilang napiling ipatayo. Halos sakupin na nilang ang business world dahil halos lahat ng klase ng negosyo ay pinasok na nila.
Pagdating ko sa floor ng marketing ay dumeretso agad ako sa head nila since hindi naman ako pamilyar didto and I dont have the care to socialize with anyone that's why nanatili lang lagi ako sa President's level. But before ako makarating sa office ng head ay narinig ko pa ang bulong bulongan ng mga employees sa loob.
"Siya ba yung new secretary ni Boss? Ba't mas nakakatakot pa ata siya kaysa kay Sir Whiles? Pero ang ganda ha grabeh!"
"Oo ang ganda pa naman mukhang mannequin pero tingnan mo ang mata walang kabuhay buhay pero pag tiningnan ka sa mukha para ka namang kakainin ng buhay"
"Balita ko wala daw yan friends dito na kahit si Sheila yung receiptionist nangingilag sa kanya di kasi palasalita"
"Sayang ang ganda niya no? Kaso tumitindig ata ang balahibo ko tuwing titingin ako sa kanya. Bagay talaga sila ni boss"
"Yeah right bagay silang dalawa ni boss isang cold hearted at isang hot blooded parang apoy at tubig lang"
"Oo nga mainitin ang ulo ni Boss samantalang yan wala naman kasing lamig tumingin"
Di ko pinansin kahit isa man sa kanila kahit na may nagtangkang bumati. Hindi ko naman siguro kailangan pang makipagkaibigan dito dahil tiyak kong hindi rin naman ako magtatagal. Isang utos lang kay Madam M pwede na kong mawalang parang bula. at yun ay pagkatapos na ng misyon.
"Mr Raven Whiles is asking for the files that he needed" agad kong sabi ng makapasok ako ng office. Hindi na ko nagtanong kung siya ba yung head dahil obvious namang siya kasi nga opisina ito ng Marketing Head and siya lang ang nagiisang tao na nasa loob.
Nagulat naman siya ng bigla akong magsalita. Walang imik na inabot niya sa akin ang files na kailangan ni Rave Whiles. Mukha pa kasi siyang natulala sa akin na di ko alam kung bakit at wala rin akong panahong alamin.
Kinuha ko naman yung files at walang lingon likod na bumalik agad sa President's Office. Pagdating ko ay tumingin ulit yung mga bodyguard niya sa akin na hindi ko naman pinansin. Kumatok ako ng tatlong beses at saka pumasok.
Walang salitang inilapag ko sa lamesa ang papeles na kailangan niya habang siya ay busy sa pagtingin sa laptop. Lalabas na lang sana ako ng bigla niya akong tawagin.
"Please have a seat for a while Ms Siegfred" pormal na sabi niya sa akin. Nagkibit balikat na lang ako at saka umupo sa isa sa visitor's chair sa harap niya.
BINABASA MO ANG
Assassin's Heart
Misterio / SuspensoSPG - In a world that anyone has license to kill and life can be paid. Dalawang tao ang nagkatagpo sa kakaibang mundong kanilang ginagalawan. She was his assassin and he was her prey. Paano kung umusbong ang di inaasahang pagmamahalan sa pagitan nil...