Prolouge

1.6K 36 7
                                    


Diamond University.

Is one of the well-known and prestigious school in the country which allow and help the students to bring out their best potentials to be a successful performer and artist.

Ang grupong SVT—stands for Samahan ng Veteranong mga Tambay (charot!)—ay binubuo ng labing tatlong magkakaibigan na walang ibang pinangarap kundi ang maipakita ang angking talento sa larangan ng paggawa ng musika at pagpeperform sa entablado. Sa kabila ng pagkakaroon nila ng iba't-ibang katangian, talento, at personalidad ay nagkakasundo pa rin sila sa maraming bagay.


***


Tila walang tigil sa pagtakbo ang grupo nina Cholo mula sa mga humahabol sa kanila. Napasali na naman kasi sila sa gulo. Tumigil lang sila sa pagtakbo nang sa tingin nila ay wala na ang mga humahabol sa kanila.

Napagkasunduan nilang maghiwa-hiwalay at ngayon nalang ulit sila nagkita-kitang labing tatlo sa tagpuang napag-usapan nila.

"Ano? *breathe* Wala na ba sila? *breathe* " tanong ni Eugene sa grupo nina Junell na silang naatasang magligaw sa mga humahabol sa kanila habang bakas ang pagkahapo dahil sa pagod sa pagtakbo.

"Oo, sa tingin ko naman ay nailigaw namin sila. Ang kukupad nilang tumakbo eh." Sagot ni Junell na medyo hinahapo din.

Matapos makumpirma at masigurado na malayo na sila sa gulo ay sabay-sabay na silang sumalampak sa sahig. Kasalukuyan silang nasa isang malawak na picnic park kaya malaya silang pumwesto sa iba't-ibang posisyon para makapagpahinga.

"Hindi ba kayo napapagod sa ganitong routine natin?" pag-oopen ni Eugene dahilan para makuha niya ang atensyon ng mga kaibigan niya. "Sa umaga papasok tayo sa school. Sa tanghali maghahanap ng mapagtritripan. Pagdating ng hapon makikipagrambulan tapos tatakbuhan. Hindi ba kayo napapagod or nauumay?"

"Nauumay din." Mabilis na sagot ni Cholo dahilan para mapatingin sa kanya si Eugene.

"Alam niyo sa totoo lang, gusto ko ng tumigil sa ganitong gawain. Kasi napapagod na ko, at isa pa, pakiramdam ko... parang walang pinatutunguhan ang buhay ko." Deretsong pahayag ni Eugene matapos niyang bumaling sa kawalan.

"Ako din napapagod na." Segunda ni Gio habang prenteng nakahiga sa damuhan habang ginawang unan ang mga braso.

"Kahit naman wala kang ginagawa pagod ka pa rin eh." Sambit ni Junell dahilan para pukulan siya ng masamang tingin ni Gio, pero hindi rin naman niya pinansin yun.

"So ano ng balak niyo ngayon? Road to bagong buhay na ba 'to?" tanong ni Bobby.

"Alam niyo.." bumangon si Neo at naupo. "Pwede naman tayong magbago ng routine eh. Masmaganda kung yung may kabuluhan na. Ano sa tingin niyo?" sabi niya sabay tingin sa mga kaibigan niya.

"Kung ako tatanongin, gusto kong i-pursue ang pagsasayaw." Sabi ni Chani at sunod na bumangon.

"Ako gusto ko talagang kumanta. At alam kong alam niyo yun." Sabi ni Deekey na nakasandal ng upo sa paanan ng puno.

"...At alam din ng buong campus yun." dagdag ni Harbi.

"Eh? Talaga?" tila gulat na tanong ni Deekey.

"Kaya ka nga laging nasisita ng mga teacher sa katabing classrooms diba? dahil dinaig mo pa yung sirena ng bumbero sa tuwing nagvovocalization ka." Si Miggy ang sumagot dahilan para sa kanya mapatingin si Deekey.

Diamond University: "School of Music" [Seventeen FF On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon