~Loraine Joo's POV~
Maaga akong nakarating ng school kaya naisip kong dumaan muna ng library para humiram ng ilang referrence books. Masyado akong masipag mag-aral kasi gusto ko na naiintindihan ko yung mga topics na itinuturo at hindi lang basta dumadaan sa tenga ko at lumalabas sa kabila gaya ng ginagawa ng ibang mga estudyante.
Naglalakad na ko papunta sa classroom habang dala-dala ko yung mga librong hiniram ko nang may bumangga sa 'kin dahilan para mabitawan ko yung mga libro na hawak ko at mahulog ito sa sahig. Ang nakakainis pa ay hindi man lang nag-sorry yung lalakeng nakabangga sa 'kin at nagdere-deretso lang siyang naglakad paalis.
"Ano ba yan? Ang laki-laki ng daan eh. Ni hindi man lang nag-sorry. *sigh* " napailing nalang ako sa pagkadismaya.
Hindi ko inasahan nang may kamay ang tumulong sa 'kin sa pagdampot ng mga gamit ko. Sa pagtayo ko ay nun ko lang din nakita ang mukha ng taong tumulong sa 'kin at nakilala ko naman agad siya, dahil kaklase ko siya sa academics... si Cholo Choi.
Sunod na inabot sa 'kin ni Cholo yung mga libro, at pagkatanggap ko naman nun ay agad akong nag-bow at nagpasalamat sa kanya.
"Salamat."
Walang imik niya akong tinanguhan lang tsaka siya naunang lumakad paalis.
Habang pinagmamasdan ko siyang naglalakad palayo ay bigla akong napaisip.
Ang cool naman niya?
May ganyan palang tao noh?
Kung umakto parang wala siyang kaprobleproblema sa mundo.
"Sana all." Pagsasatinig ko at umalis na din ako nang mawala na siya sa paningin ko.
~Miggy Kim's POV~
Another day, another boredom. Naglalakad ako ngayon papasok ng school. Hindi pa nga sana ako papasok ngayon kung hindi lang ako pinilit ng mga kaibigan ko.
And that's one of the things that I like about my friends.
Hindi sila B.I. (Bad Influence)
Para sa pangarap ng grupo ay hindi namin hinahayaang mapariwara o maligaw ng landas ang isa. Kahit yung simpleng pag-absent lang ng walang valid reason ay hindi tinotolerate ng mga kaibigan ko. Lalo na nina Eugene, Harbi, at Cholo.
Naglalakad ako nang may makita akong nadapang babae.
Luh! Si ati, clumsy yarn?
[A/N: Nagsalita ang hindi clumsy.]
Matatawa sana ako kasi para siyang may hinuhuling palaka sa itsura niya, pero pinigilan ko kasi ayaw ko din naman siyang mapahiya. Sa halip ay sinubukan ko siyang lapitan para tulungan.
"Miss, okay ka lang?" tanong ko sa babae pagkalapit ko.
Bahagyang napakunot ang noo ko nang hindi niya ko tiningnan at nanatili lang siyang nakayuko na parang may hinahanap.
"Kuya, pahanap naman ng salamin ko oh?" pakisuyo niya.
Dun ko nalaman na malabo ang mata niya kaya tinulungan ko na din siyang hanapin yung salamin niya. Hindi naman ako nahirapan kasi madali ko lang ding nakita yung salamin sa may di kalayuan.
BINABASA MO ANG
Diamond University: "School of Music" [Seventeen FF On-going]
Teen FictionDiamond University. Is one of the well-known and prestigious school in the country which allow and help the students to bring out their best potentials to be a successful performer and artist. Ang grupong SVT ay binubuo ng labing tatlong magkakaib...