Chapter 6

254 6 0
                                    


~Jackie Hwang's POV~


Naisip kong mag CR muna bago dumeretso sa klase. Pagkalabas ko ng CR ay nakasalubong ko yung mapanlinlang na nilalang. Hindi ko sana siya papansinin kung hindi lang nagpantig ang tenga ko sa itinawag niya sa 'kin.

"Hoy pervert."

Agad ko siyang pinukulan ng matalim na tingin. "Anong sinabi mo??"

"Pervert." Ulit pa niya. Halata mong nang-aasar talaga.

"Hindi nga sabi ako pervert eh! Ilang beses ko bang sasabihin sayo yun!?" inis kong depensa.

"Okay. Chill!" nakataas kamay niyang sambit na para bang sumusuko siya. "Masyado ka namang highblood?" pagpapakalma niya sa 'kin pero inirapan ko lang siya.

"Pwede ba? Kung mang-aasar ka lang, lumayas ka na harapan ko." pagtataray ko sa kanya.

"Alam mo, hindi ko maintindindihan eh. Ikaw na nga 'tong namboso, ikaw pa ang galit??" muli ko siyang sinamaan ng tingin pagkasabi niya nun.

"Hindi nga sabi ako namboso eh! At paanong hindi ako magagalit kung pinagbibintangan mo ko sa bagay na hindi ko naman talaga ginawa!" kapag hindi ako nakapagpigil sasapakin ko na 'to.

Nakita ko siyang bumuntong hininga. "Okay. Sige. Isang bagay lang naman kasi ang kailangan ko eh, para hindi na kita asarin."

"At ano naman yun?" kunot noo kong tanong.

Umakto siyang nag-isip saglit. "Uhm..." sabay sabing... "Kiss?" tila nagtatanong ang mata niya at sunod siyang ngumisi na naman ng mapang-asar.

"Eh ikaw naman pala ang manyak eh!" bulyaw ko sa kanya. "Gusto mo bang ikiskis ko yang nguso mo sa kamao ko? Ha!?" paghahamon ko sa kanya.

"Ito naman? Biro lang!" bawi niya.

Napabusangot na ko ng mukha samantalang hindi naman nawala yung ngisi niya. Pilit kong pinipigilan ang sarili ko na mag-beast mode, pero sadyang nakakapang-init ng ulo ang presensya ng taong nasa harapan ko ngayon.

"Alam mo kung hindi ka pa aalis, baka makasapak na ko ng wala sa oras." may pagbabanta kong sambit.

"Grabe naman. Ano ka, maton?? Hindi ba pwedeng kiss nalang?" pang-aasar pa niya lalo.

Hindi ko na kinakaya kaya halos mapasabunot na ko sa sarili ko sa inis at frustration. "Uuugghhh!!" tiningnan ko pa siya ulit ng matalim tsaka ko siya inismidan bago ako nag-walk out. Kasi kung hindi pa ko aalis ay baka makapanakit na talaga ako ng mukang silahis na tutubing karayom.


~Author's POV~


Break time...


Magkakasama sa isang long table ang SVT. Habang abala sila sa pagkain at pagkwewentuhan ay may limang estudyante ang lumapit sa kanila. Tatlong babae at dalwang lalaki yung mga estudyanteng umapproach sa kanila.

"Uhm.. excuse us?"

Sabay-sabay na naglingunan ang SVT sa babaeng estudyanteng umaproach sa kanila.

"Hi! Diba kayo ang SVT?" sunod na tanong nung isa pang babae.

"Uhm.. Yes. Bakit?" si Cholo ang sumagot.

"Uhm.. Napapanood kasi namin yung mga street performances niyo nung highschool eh. And..." Saglit na bumaling yung estudyanteng lalake sa mga kaibigan niya dahil parang nahihiya pa ito kung itutuloy ba niya ang sasabihin o hindi. Nang tanguhan siya ng mga kaibigan niya ay muli din niyang ibinalik ang tingin kina Cholo. "Actually, we're a fan, so If you won't mind?... Can we take a picture with you guys?"

Diamond University: "School of Music" [Seventeen FF On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon