Chapter 7

221 6 0
                                    

~Author's POV~


Naglalaro ang batang Sandy sa playground ng kanilang subdivision kasama ang kanyang kababata nang mapansin nila ang pagdaan ng isang ice cream vendor sa tapat lang din ng playground na pinaglalaruan nila.


"Uy Sandy! Gusto mo ng ice cream?" tanong ng kababata ni Sandy sa kanya.


"Oo! Oo gusto ko din!" masiglang sagot naman ng batang Sandy.


Sunod na lumapit yung kababata ni Sandy sa yaya nito para magpabili ng ice cream dito.


"Wag kayong tatawid ah? Dito lang kayo." bilin ng yaya ng kababata ni Sandy bago ito tumawid sa kabilang kalye para bumili ng ice cream.


Habang naghihintay ng ice cream ay biglang may nakakuha ng pansin ni Sandy sa kalye. Isang cute na aso ang nakita niyang tumatahol sa gitna ng kalsada. Sunod nun ay mabilis din niyang napansin ang paparating na sasakyan. Masasagasaan nito yung aso kaya naman agad siyang tumakbo papunta dun sa aso para sana iligtas ito. May kabilisan ang takbo nung sasakyan kaya naman muntikan ng mabangga si Sandy kundi lang dahil dun sa tumulak sa kanya, kaya siya nakaligtas pati na rin yung aso.


Hindi inasahan at sobrang ikinabigla ni Sandy nang malaman niya kung sino ang taong nagsakripisyo ng buhay niya para lang iligtas siya... ang kababata niya.


"Liam!!!"



~oOo~



~Sandy Kim's POV~


Naalimpungatan ako kaya pabalikwas akong napabangon. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari kahit may ilang taon na ang lumipas. At kahit sa panaginip ko ay dala-dala ko pa rin yung nangyari.

Pitong taong gulang ako nung mangyari ang trahedyang yun. Napakalaki ng utang na loob ko sa kababata ko. Kundi dahil sa pagsasakripisyo niya, ako sana yung wala na ngayon. Pero kapalit din ng kino-consider kong pangalawang buhay ay ang sobrang kalungkutan at pangungulila ko sa kaisa-isa kong partner at matalik na kaibigan.

Linggo ngayon kaya naisip kong bumisita sa puntod niya. Nang makarating ako sa sementeryo ay agad akong nagtaka nang makita kong may mga mga fresh flowers sa ibabaw ng puntod ni Liam. Masyadong bago at sariwa pa ang mga bulaklak na halatang kalalagay lang. Ganun nalang ang pagtataka ko dahil sa pagkakaalam ko ay imposibleng mga parents ni Liam ang bumisita at naglagay nito, dahil sa ibang bansa na sila nakatira. Wala rin akong ibang maisip na iba pang tao na posibleng dumalaw kay Liam ngayon-ngayon lang.

Nagpalinga-linga ako sa paligid pero wala naman akong ibang taong nakita maliban dun sa supulturero na naglilinis sa di kalayuan. Matapos nun ay nagkibit-balikat nalang ako at hinayaan nalang.

Pagkalapag ko ng bulaklak na dala ko ay sunod akong nag-alay ng mataimtim na panalangin.

"Hi Liam." Bati ko sa kanya pagkatapos kong magdasal. "Pasensya ka na kung ngayon nalang ulit kita nabisita ah?.. Kamusta ka naman?.. Siguro sarap buhay ka nalang diyan noh? Kasi hindi mo na kelangang mag-aral, hindi ka namromroblema sa mga projects, at... hindi ikaw yung nakakaranas ng kalungkutan ng maiwanan."

Diamond University: "School of Music" [Seventeen FF On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon