1st Entry

55 0 0
                                    

Dear, Diary

Fiesta ngayon sa mga Tito ko kaya andito kami ngayon. Malapit nanaman mag-pasukan kaya tinanong ako nang Tito ko kung ano daw ba yung strand na kukuhanin ko. Aye! Oo nga pala Diary nakalimutan kong sabihin sayo na grade 11 na nga pala ako sa pasukan.

Sinabi ko kay Tito na TVL ang gusto ko. Balak ko kasing maging Pastry Chef. Mukang ayaw ni Tito na yoon ang kunin ko. Tinanong pa nga nya ko kung bakit yoon ang gusto ko. Wala akong naisagot sa kanya Diary, at naiiyak na ako nung mga oras na yon dahil pinipilit nila ako sa strand na hindi ko naman gusto.

DEAR DIARYWhere stories live. Discover now