58th Entry

2 0 0
                                    

Dear Diary,

Ayaw pirmahan ni Ma'am Rosanne yung clearance ng mga kaklase ko dahil galit sya sa section namin. Diary, batid kong saakin sya pinaka-nagtatampo dahil saakin sya nagbilin.

Hindi ko naman sinasadya Diary :<

Karamihan sa mga section ngayon may farewell party. Kasama na doon yung ABM 2 na advisory ni Ma'am Rosanne, nakakainggit Diary. Dapat daw kasali kami doon sa farewell ng ABM 2, pero dahil galit saamin si Ma'am Rosanne, hindi na kami sinali.

Nakakalungkot lang Diary, dahil lagi nya saming sinasabi na iisa lang daw ang ABM 1 and 2 pero hindi namin yon nararamdaman. Para lang kaming mga outsider na pilit nakikisiksik.

Wala kaming farewell party, dahil bukod sa wala kaming sariling classroom, wala pang pakialam saamin yung totoong adviser namin.

DEAR DIARYWhere stories live. Discover now