72nd Entry

0 0 0
                                    

Dear Diary,

Nakangiti at nag-hhum lang ako habang naglalakad papasok sa school. Miss ko na yung mga vovo e. I'm looking for another chapter of kalokohan sa school :D

Pag-pasok ko sa room, nakatingin sa'kin lahat. Mygosh, na-late ako! Pero ang pinagtataka ko ngayon, bakit si Ma'am Juline ang andito sa room?? Ang alam ko, si Ma'am Roevy na yung adviser namin. Inikot ko yung mata ko sa room at wala akong nakitang dating ABM 2. Ang alam ko talaga magkakasama na kami e.

Anyways, hindi ko na masyadong pinansin at umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Ate Anadya. Uumpisahan ko na sana dumaldal pero pinag-taasan nya 'ko ng kilay na para bang nagtatanong kung close kami. Bigla akong natahimik, para bang hindi sya yung naging ka-close ko nung grade 11.

Tulad ng inaasahan, introduction palang. I'm confused! Bakit andito si Anton at Keena??

DEAR DIARYWhere stories live. Discover now