Prologue

5 1 0
                                    

Mother's POV

Mahal na mahal ko ang anak ko.

Isa siyang mabuting bata, masunurin, mapagmahal, matalino at maalalahanin. Pinalaki ko siyang may takot sa diyos ngunit hindi ko alam kung takot nga ba siya. Lumaki siyang normal kagaya ng ibang bata, nakikita ko siyang masaya, malungkot at iba pang mga nararamdaman ngunit isa lang ang hindi ko nakita sa kanya...

TAKOT

Noong una ay naging masaya ako para sa kanya dahil isa siyang matapang na bata ngunit bilang isang ina, ako na mismo ang natatakot sa mga nararanasan niyang mga pangyayari na hindi normal. Hindi siya natatakot sa mga bagay na pwede niyang ikapahamak o ikamatay. Bilang isang ina ay hindi ko mapigilan ang manaig ang takot sa akin kahit na siya'y hindi nakararanas ng ganoong nadarama.

Flashback...

"Put your gun now!"
The policemen said in a speaker.

" Please give me my daughter..." I shout in cry.

I can't believe this! We only want to buy ice cream for my daughter in that fùcking convient store and all of a sudden ... My daughter's got to be a hostage for fück sake!

Nakatutok parin ang baril sa sintido ng anak ko. Hindi ko na napapansin ang mga nasa paligid ko dahil nakatutok ang aking paningin sa anak ko. Hindi bakas sa mukha niya ang takot at iyon ang ikinakabahala ko.

Please God, save my little daughter! I can't lose her.

"  We will count sir, if you dont drop your gun we will shoot you... 10"

Kada bilang ay bumibilis ng bumibilis ang tibok ng puso ko na halos atakihin ako sa puso. Hindi! Baka lalong mapahamak ang anak ko.

5

4

3

2

BAMM!!!!! BAMMM!!!!!! BAMM!!!!!!

Nabingi ako sa mga putok ng baril at hindi ko na alam ang gagawin ko!

Asan na ang anak ko!?

Ang lahat ng nagyayari sa paligid ko ay parang nag slow motion at wala akong ibang naririnig.

Habang nagpapalitan ng putok ng baril ang nga pulis at mga magnanakaw ay naglinga linga ako habang nakadapa at hinahanap ko ang anak ko...

Nanlaki ang mga mata ko ng nakita ko ang anak kong nakatayo at palakad papunta sa kinaroroonan ko ng walang takot na baka matamaan ng mga bala sa pagpapalitan ng mga pulis at magnanakaw

" ANAK, DUMAPA KA!! LUMAYO KA SA LUGAR NA IYAN!" sigaw ko ng may pag-aalala.

Ngunit hindi siya nakinig! Hanggang sa makalapit siya sa akin.

" Ma, ayus lang ho ba kayo?" Bakas ang pag-aalala sa mga mata niya ngunit kalmado ang kanyang boses.

Hindi ko maipaliwanag ang saya ko dahil sa mas inisip niya pa ang kalagayan ko kaysa sa kanya na muntik ng mapahamak.

" Anak! Ano ka ba? Papatayin mo ba ako sa pag-aalala. Bakit ka naman naglakad habang nagpapalitan ng putok ang mga pulisya at mga masasamang tao na iyan? Hindi mo ba inisip na baka tamaan ka ng bala. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nangyari iyon." Maiyak iyak na sabi ko.

Agad naman na bumalatay ang kalungkutan sa kanyang mukha.

" Patawad po, ma."

Niyakap ko agad siya. " Hindi 'nak, ayus lang, huwag ka ng malungkot. Ako dapat ang manghingi ng tawad sayo dahil hindi Kita agad na protektahan sa mga masasamang tao na iyon." Niyakap ko pa siya ng napakahigpit at saka tiningnan ang kanyang mukha.

" Maraming salamat at ligtas ka."

End of flashback...

Hanggang ngayon ay nag-aalala parin ako sa anak ko na baka natrauma siya sa pangyayaring iyon. Sa murang edad ay nakranas na agad siya ng ganoong pangyayari.
May mga pagbabago akong napansin sa aking anak na ikinakabahala ko. Naging tahimik na siya, parang may sariling mundo ngunit hindi naman masasabing natrauma ang lagay niya dahil hindi siya nagpapanggap na masaya o malungkot man o kahit na anong sintomas ng natrauma kaya naisipan kong ipatingin siya sa eksperto.

Ngayon ay inaantay ko nalang ang resulta ng pag-eksamin sa kanyang utak.

Kahit na may kamahalan ay tinanggap ko para lamang malaman ang kalagayan ng aking anak na siyang nabibigay bagabag sa aking puso't isipan.

" Good afternoon Mrs. Dailyn Villarel"
Bati sa akin ng espesyalista ng aking anak.

" Good afternoon din po doc." Bati ko rin."kamusta po ang resulta..." Pangunguna Ko.

" Yeah that... I don't know if I can call this a good or bad but your daughter experience a disease what we called Urbach-Wieth which has caused parts of her brain to harden."
Paliwanag ng doctor.

" What do you mean doc, what kind of disease is that... Ngayon ko palang po iyon narinig."

" It's a rare kind of brain damage preclude her from experiencing fear of any sort. Her amygdala- which are crucial for any fear response have wasted away. Or in other words Urbach-Wieth is biologically unable to feel the emotion fear, due to the genetic condition which has caused the part of her brain responsible for being scared to waste away."

Hindi ako makapaniwala sa aking naririnig.

" Ang ibig sabihin ay hindi nakakaramdam ng takot ang aking anak?" May pag-aalala ang aking tono. " Ano po ang pwede Kong gawin para lamang maging maayos ang aking anak? Wala po banang gamot o kahit anong treatment ang kailangan?"
Tanong Ko.

" I am sorry mrs. Villarel ngunit hindi pa namin alam kung anong klaseng o paano man ito magagamot. Only 400 people world wide have been identified with this condition. Kaya hanggang ngayon ay pinag-aaralan parin ito. At kinalulungkot ko na hindi masyadong lingid sa kaalaman namin ang kondisyon ng anak ninyo, kung gusto niyo ho ay sa ibang bansa natin ipatingin ang kondisyon ng anak niyo ngunit manganagilangan ho tayo malaking pera. "

" Ganoon po ba..." Malungkot na sagot Ko. Hindi na namin kaya pang ipatingin ang kanyang kondisyon dahil sa hindi naman kaMi mayaman na tao, sapat lamang ang aming pera para mabuhay namin siya.

" Expect her experience traumatic events but never leave her with bad memories like she experienced the past few days. Don't worry Mrs. Villarel, she has a normal IQ and feels other emotions in the same way as others. But always protect her because people could easily take advantage of her."

Mas lalo tuloy akong nag aalala sa anak ko.

" Yes doc , i will."

" Okay, tawagan mo lang ako kung may kakaibang nangyayari kay Emily, o kung ano man ang nangyayari sa kanya para mapag-aralan din namin."

" Oho doc. Maraming salamat po. Una na ho ako."

Pagkauwi na pagkauwi ko ay sinabi ko kaagad sa asawa ko ang kalagayan ng aming anak.  Niyakap ko kaagad siya dahil sa gusto kong maranasan niyang nandirito lamang kami sa tabi niya at hindi siya pababayaan.

Labing dalawang taon pa lamang ang aking anak ngunit nakararanas na agad siya ng ganitong pangyayari.

Nangangako aKong hindi ko pababayaan ang aking anak dahil natatakot akong baka paglaruan siya ng makasalanang mundo.

Hinding hindi ko iyon hahayaan.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Intrepid GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon