Chapter 1

17 6 1
                                    

The sound of siren's of ambulances and the firetrucks filled in my ears. I was running away from my step mother because I hate her. Yeah, that was my dumb reason why I runned away.

I don't like her.
She seems to be pretending that she likes me. But the hell! I know hindi niya ako gusto.

I don't even fucking know kung anong nagustuhan niya sa babaeng yun! Eh, galing nga sa mahirap na pamilya! Baka sulutera yun or maybe my dad was her sugar daddy. Matanda na si dad and I kept on wondering kung bakit nagusutuhan ng babaeng yun ang daddy ko eh for goodness sake! Matanda pa si daddy sakaniya ng 13 years! That's so gross!

Ganiyan na pala talaga kadesperada ang mga tao ngayon na magkapera. I pity them. Hindi naman sa pagmamayabang pero mayaman rin kami. Our family owns 10 branches of hotels in every places like Cebu, Bohol and more.

My mom died because of a plane crash. Galing kasi siya sa Australia nun tapos bigla daw nasira yung eroplanong yun and ewan ano nang nangyari.

Tumatakbo ako sa sidewalk dala-dala ang dalawang maleta ko and I'm wearing my expensive jewelries dahil galing pa ako sa party nang napagplanuhan ko nang umalis sa pamamahay na yon!

Napansin kong nagkakagulo ang mga tao. May iba na nag-aaway at yung iba nagsusuntukan. Marami na ding nababalita sa TV na mukhang magkakaroon ng food shortage all over the countries but I don't give a damn.

Malapit na ako sa pupuntahan ko ngayon. Kinausap ko na ang matalik kong kaibigan na si Eila na doon muna ako makikituloy sakanila. Hindi mayaman ang pamilya nila at sakto lang. Nakakapagaral sila, nakakabili ng mga kakailanganin nila at nakakain sila ng atleast tatlong beses sa isang araw.

And atlast, narating ko na ang bahay nila. Kahoy ang gate nila at walang doorbell na katulad saamin. So I think, I need to use my voice.

"Tao poo!" Sigaw ko pero walang sumasagot at napapansin kong nakabukas ang pintuan ng bahay nila at parang may red na— pintura ba yan?

"Tao poo! Eila! Andito na ako!" sigaw ko ulit pero wala talagang sumasagot sa loob.

Pinagloloko ba ako ni Eila kanina? Or baka pinagtitripan niya ako?!

Nakakarami nako ng 'Tao po' at 'Eila' pero nagmumukha lang talaga ata akong tanga dito at walang sumasagot sakin.

Napatingin ako sa mga kalapit bahay nila at napansin kong nakabukas rin ang mga pintuan at may mga red na pintura nga siguro yan. Pero nakakapagtakha naman, bakit andadaming nagpipintura ng red sa mga pintuan nila? May pamahiin ba dito ngayon?

Dahil kanina pa ako pinagpipiyestahan ng mga lamok dito. Napansin kong nakabukas ang gate nila kaya pumasok ako at iniwan ko nalang muna ang maleta ko sa labas bahala na yun, wala naman siguro magnanakaw rito ngayon dahil masyadong tahimik ang paligid doon lang sa main road ang masyadong maingay dahil sa mga nagkakagulong mga tao.

Pagkarating ko sa pintuan ay nanlaki ang mga mata ko ng mapansing parang hindi iyon pintura kundi...

"B-Blood...what the hell..." bulong ko habang kinakabahang napatingin sa loob ng bahay at napansin kong nagkalat ang dugo sa sahig.

I hate blood.
At may naamoy nakong masangsang na amoy na nanunuot sa ilong ko.
My knees are trembling and really, I'm fucking shaking in fear.

A-Ano bang nangyayari?! Sa pintuan ng mga kapitbahay niya...dugo rin ba yun?!

Ohmygod! Baka may serial killer bang palakad-lakad sa paligid ngayon?

Hindi na ako nag-abalang pumasok sa bahay nila. At napaisip nalang kung nandiyan ba ang mga pinagpapatay na may-ari ng mga dugo sa pintuan.

"E-Eila!" kahit na nanginginig ako sa takot na mag-ingay ay sinubukan ko pa ring tawagin ang pangalan ng kaibigan ko. She's my bestfriend at kung kahit na ay mamatay ako dito kakasigaw sa pangalan niya para malaman kung buhay ba siya or hindi ay wala nakong pakialam!

"Eila! Andiyan ka pa ba?!" sigaw ko ulit. I reached my phone at nagmamadaling hinanap sa contacts ko ang pangalan niya at tinawagan ito.

Maya-maya pa ay may narinig akong tunog ng ringtone ng cellphone sa loob. Yun ang ringtone ng cellphone niya.

'The person you're calling right now is unavailable, please try again later..'

Nanginginig na naibaba ko ang cellphone nang may narinig akong mga mabibigat na yapak mula sa kwartong makikita mo mula sa kinatatayuan mo sa labas ng bahay.

May iika-ikang naglalakad na babae sa direksyon ko at nakatungo siya. Punit na punit ang damit niya at punong puno ito ng dugo. Sabog na sabog ang kaniyang buhok at parang may malaki siyang— sugat ba iyan? Yung nasa leeg niya.

Tatakbo na sana ako papunta sa direksyon niya ng bigla siyang nag-angat nang tingin at nagtama ang mga mata namin.

Agad na nanuyo ang lalamunan ko at nanlamig ang katawan ko.

Putangina! Anong nangyari sa mukha niya?!!

Nakangisi siya habang nakatingin sa'akin at maiitim ang kaniyang mga ngipin na may dugo dugo pa. Kitang-kita ko na rin ang cheekbone niyang wala nang balat at yung buto na talaga ang nakikita ko sa kanang bahagi ng mukha niya! Idagdag mo pang may lumalabas na napakaraming dugo sa bibig nito na parang laway! Tapos yung mga mata niya parang kulay abo na ewan! Nakakatakot para siyang nakatirik ang mga mata!

May binulong siya habang nakangisi habang nakatingin sakin. At maya-maya ay napakabilis na tumakbo patungo sa kinatatayuan ko. Ni hindi ko maigalaw ang mga paa ko at takot nalang ang lumamon sakin. Hinintay ko nalang na makalapit siya sakin nang maramdaman kong may humila sakin at pagmulat ko ay tumatakbo na kami patungo sa gate. May matipunong likod ng lalaki ang nakahawak sa braso ko at hinihila ko habang tumatakbo.

Naalala ko ang nakakatakot na itsura ng babae kanina na parang kamukha ng Ina ni Eila kaya napalingon ako sa likod ko at nanlaki ang mga mata ko nang makitang sumusunod siya samin! At katulad namin ay tumatakbo rin siya kahit marami siyang galos at iika ika pa na parang may pilay!

At hindi lang iyon may iba pa itong mga kasama na ganoon rin ang mga mukha! Fuck!! Ano ba talaga ang nangyayari?!

Total DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon